HONEY-PINEAPPLE CHICKEN
Mula nang maumpisahan ko ang food blogging, natutunan ko na ang mag-experiment sa aking mga niluluto. Awa naman ng Diyos nakakain naman ang lahat ng niluluto ko. Kapag may bago nga akong naluto, sasabihin ng bunso kong anak na si Anton, "Daddy imbento mo yan?". hehehehe.
Pininyahang Manok sa unang tingin, pero komo ilagyan ko pa ng pure honey bee, mas naging masarap ang katakamtakam ang chicken dish na ito. Nilagyan ko din ng turmeric powder to add color at extra flavor.
Try nyo din ito, masarap at madali lang lutuin.
HONEY-PINEAPPLE CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh fillet (cut into bite size pieces)
1 big can Pineapple chunk
1 tsp. Turmeric Powder
1/2 cup Pure Honey Bee
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali i-helera ang mga manok sa ilalim yung may balat na part. Isalang sa apoy at hayaang pumula ng bahagya.
3. Ilagay ang luya at bawang. Halu-haluin.
4. Ilagay ang mga 2 tasang sabaw ng pineapple chunk. Takpan at hayaang maluto o hanggang sa kumonte na lang ang sabaw o sauce.
5. Ilagay ang sibuyas at honey. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng manok ng sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring dagdagan ng asin o asukal.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks J