JAKE'S 13th BIRTHDAY - 2011
Birthday kahapon ng panganay kong anak na si Jake. 13 years old na siya. Teenager na. Hehehehe. At syempre hindi pwedeng walang kahit simpleng kainan. Yun kasi ang naging panuntunan ko din. Kahit medyo hirap, iraraos ko pa din ang birthday nila kahit papaano. Ang Inang Lina ko kasi nung araw, kahit hirap kami, hindi pwedeng walang kahit konting handa basta mayroong may birthday sa amin. At yun din ang ginagawa ko ngayon sa aking mga anak.
4 na dish lang ang niluto ko. Yung 3 dito ay request ng may birthday. Yung inihaw na bangus lang ang idinagdag ko. Creamy Pesto and Bacon pasta for the noodles. Mayroon ding Hainanese fried chicken at Orange-Barbeque Spareribs.
Laging kong sinasabi, I always want the best for my family. Kaya kahit papaano ay ipinaghahanda ko talaga sila ng gusto nila na pagkain.
Wala naman masyadong bisita. Dumating ang kapatid ko na si Shirley at ninang din ni Jake. kasam din niya si Salve. Nang-galing pa sila ng Bulacan.
Syempre dumating din ang kapatid nga sawa ko na si Lita. From her work, dumiretso na siya sa amin for the dinner. Dumating din pala (wala sa pict) ang anak at manugang niya na sina Pia at Michael. Dumating din pero late na ang isa pang kapatid ng asawa ko na si Ate Azon. late na rin na nakain ang kapitbahay kong sina JR at Estela.
Nairaos ko sa awa nfg Diyos ang kaarawan ng aking anak. Kagaya ng dasal ko bago matulog, nawa'y gabayan siya lagi ng Diyos sa kanyang araw-araw na pag-pasok sa school. Wag sana siyang magkakasakit at laging ilalayo sa mga kapahamakan. Lumaki nawa siya na may pagmamahal sa Diyos, sa amin na kanyang mga magulang, sa kanyang mga kapatid at paggalang sa kanyang kapwa.
Amen.
This is my entry @ http://www.foodtripfriday.net

Comments
Thanks again
The Twerp & I