ORANGE-BARBEQUE ROAST SPARERIBS

No. Hindi uling yan....hehehehe. Barbeque Spareribs yan. Sabi nga nang asawa ko nasunog ko daw. Pero hindi, ganun lang talaga ang kinalabsan. Yan ang isa pa na ni-request ng anak kong si Jake para sa kanyang kaarawan. To make it extra special, pinag-combine ko yung barbeque sauce at yung katas at zest ng isang orange. Ang resulta..... puring-puri ng mga naka-kain ang dish na ito.

I always want the best for my family. Ofcourse yung sa abot lang ng makakaya ko. Sabi ko nga, kahit simpleng pritong isda ginagawa kong espesyal dahil sinasamahan ko ng pagmamahal. And I know napi-feel naman nila yun habang kinakain nila ang niluto ko.


ORANGE-BARBEQUE ROAST SPARERIBS

Mga Sangkap:
about 1.5 kilo Pork Spareribs
1 pc. Orange (juice at yung ginadgad na balat o zest)
1 cup Smokey Barbeque Sauce
1/2 cup Sweet Soy Sauce or ordinary soy sauce
1 tsp. ground Black pepper
1/2 cup Brown Sugar
1 tbsp. Sesame oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan hanggang sa lumambot ang spareribs sa lahat ng mga sangkap.
2. Lutuin naman sa turbo broiler o oven ang pinalambot na spareribs sa init na 350 degrees.
3. Pahiran ng sauce nang pinagpakuluan from time to time hanggang sa pumula na ng husto ang karne.

Ihain ito kasama ang sauce na pinagpakuluan na hinaluan ng kaunting honey bee.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Paborito ko nga ang medyo sunog kuya eh hehe.
Dennis said…
Hi J...actually hindi naman talaga siya sunog....sa picture lang yung pagka-itim niya....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy