PAMINTA: Alam nyo ba?

PAMINTA: Alam nyo ba?

Hindi mawawala sa ating mga kusina ang asin at paminta. Kahit saang lutuin ay nilalahukan natin ng mga ito para magkalasa ang ating mga pagkain.

Pero nakakita na ba tayo ng puno o halaman kung saan nanggagaling ang paminta?

Nung una akala ko ay para itong munggo na aalisin mo yung buto at yun yung paminta. O kaya naman ay parang prutas na papaya at yung mga buto nito na pinatuyo ang paminta.

Noong ako ay nakapag-asawa noon ko lang nalaman at nakakita ng puno ng paminta. Ang bakuran kasi ng asawa kong si Jolly sa San Jose, Batangas ay may mga tanim na paminta. Namumunga lamang ang halamang ito kapag maulan at laging nadidiligan ang puno nito. Ang bunga nito ay parang kumpol ng ubas na pahaba. (tingnan ang larawan sa itaas) Kulay green pa lang ay inaani na ang mga ito at saka ibinibilad sa araw hanggang sa umitim na ang kulay.

Ito na yung nakikita natin sa mga palengke at grocery store na paminta. Tawag nga natin dito ay pamintang buo o kaya naman ay pamintang durog kung nadurog na.

Mas mainam na kung bibili tayo ng paminta ay yung buo para tiyak tayo na puro ang ating paminta. Nakakalungkot lang na mayroon pa ring nanloloko na kahit yung pamintang buo ay hinahaluan ng buto ng papaya. Hindi mo ito mapapansin dahil halos magkapareho lang ang laki at itsura nito.

Ang paminta. Bow!

Comments

J said…
wow, napaka-educational! Ganyan pala ang itsura ng pepper plant... may tanim kami dati pero jalapeno pepper hehe.
Dennis said…
Sili naman yun J...ito paminta....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy