PORK BUTTERFLY STEAK

Isa pa sa mga top recipes ng food blog kong ito ay itong Pork Steak. Yes, ito yung pork version ng masarap na Bistek Tagalog (Beef Steak). Well, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa dish na ito? Ang sarap kasi nung alat ng toyo at yung asim ng calamansi. Kung baga, swak sa panlasa nating mga Pinoy.

Naisipan kong i-post ulit ang recipe ng dish na ito dahil nilagyan ko ng kaunting twist ang pagluluto. Ofcourse para mas lalo pa itong mapasarap.


PORK BUTTERFLY STEAK

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Butterfly cut (cut into half)
1 cup Toyomansi (Toyo na may calamansi na in bottle)
2 pcs. Potato cut into cubes
2 large Red Onion (1 chopped, 1 slice into ring)
5 cloves minced Garlic
5 pcs. Calamansi
1 tsp. Dried Basil
3 tbsp. Olive oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne sa asin, paminta at dried basil. Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa.
2. I-pan-grilled ang karne hanggang sa mawala lang ang pagka-pink ng karne. Hanguin sa isang kaserola.
3. Ilagay ang toyomansi, chopped onion, bawang at paminta. Lagyan din ng mga 2 tasang tubig.
4. Isalang sa apoy hanggang sa lumambot at maluto ang karne.
5. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas at katas ng calamansi. Hayaang maluto ang patatas.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang onion rings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for www.foodtripfriday.net

FTFBadge

Comments

Dennis said…
Tama ka Foodtripfriday.....nothing compares sa mga nakasanayan na nating mga putahe. Lalo na pag nilagyan mo ng konting twist.

Thanks again... ;)
cherry said…
ma-try nga ito. parang ok yun may basil. thanks for sharing.

visiting late via FTF:
http://www.domestic-cherry.com/2011/09/maginhawa-strip-the-pantry/

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy