RED WINE PORK ADOBO


May nabasa akong isang recipe sa classic nating adobo na ginamitan ng red wine. Actually, nanalo siya sa isang culinary competition ng mga HRM students. Nakalimutan ko lang yung pangalan.

Medyo may kahabaan ang listahan ng mga sangkap sa orihinal sa recipe. basta ang natandaan ko lang ay yung gumamit ng red wine sa pagluluto nito.

Ang sinunod ko ay ang pangkaraniwang sangkap natin sa pagluluto ng adobo at idinagdag ko na lang ito red wine. The result? Masarap naman. Kakaiba sa nakagawian nating pork adobo. Medyo matamis ito ng konti as compare dun sa sour and salty na traditional na adobo natin. Try nyo din para maiba naman.


RED WINE PORK ADOBO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim cut into cubes
2 cups Red Wine (sweet type)
1 cup Soy Sauce
1/2 cup Cane Vinegar
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. brown Sugar
Salt to taste
2 tbsp. Olive oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isng non-stick na kawali, i-brown ang karne ng baboy sa olive oil hanggang sa pumula ng bahagya.
2. Isalin sa isang kaserola at ilagay ang lahat ng mga sangkap.
3. Pakuluuan ito hanggang sa maluto at lumambot ang karne.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyna ng chopped parsley o onion leaves sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy