TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE

Sa mga katulad kong ama o ina na nagwo-work at nagaasikaso pa din ng pagkain sa tahanan, it's a challenge ang pang-araw-araw na iahahanda sa hapag kainan. Salamat sa mga fastfood store at mga instant delivery service na pwede nating tawagan. Hehehehe

Ofcourse, medyo magastos ang mga ganito. Iba pa rin yung ikaw ang nag-prepare at nagluto para sa iyong mga mahal sa buhay. Salamat na din sa mga available na instant sauces at mixes sa market at naging madali din ang pagluluto.

Kagaya nitong entry ko for today. Napaka-simple at napaka-dali lang lutuin. mainade lang at isalang sa turbo broiler ay ayos na. At habang niluluto ito, pwede ka pang gumawa ng iba pang bagay. Sa case kong ito, nagluto pa ako ng instant soup naman para may sabaw ang mga bata. Easy di ba?


TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh
1/2 cup Barbeque marinade mix
1/2 cup Smokey Barbeque Sauce
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. brown Sugar
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Sesame oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken sa barbeque marinade mix, asin, paminta, bawang, brown sugar at sesame oil. Hayaan ng mga 30 minutes. Overnight mas mainam.
2. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees.
3. After ng mga 30 minuto, pahiran ang mga manok ng barbeque sauce. Gawin ito every 5 minuts hanggang sa pumula na at maluto ang manok.
4. Paghaluin ang marinade mix at natirang barbeque sauce at isalang sa apoy para mahing sauce. Maaring lagyan pa ng brown sugar..tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

FTFBadge

Comments

J said…
Tsalap... pahingi kahit yung balat lang hehehe
Dennis said…
Saan address mo J? papadala ko yung balat....hehehehe
Anonymous said…
i never thought you could barbeque chicken in your turbo broiler. haha. matry nga minsan...thanks for the idea! :)
Dennis said…
Pwede naman hungrygiant....barbeque naman is a flavor so kahit papaano mo ito lulutuin ay pwede na din. Lalo na sa mga taong nakatira sa condo di ba mahirap naman kung saan pa mag-iihaw. So Turbo broiler is another better alternative.

Thanks
Broiler and oven is always a time saving ways to cook.
Dennis said…
Sinabi mo Foodtripfriday....ito talaga ang paborito kong gamit sa kusina. laking tulong talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy