TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE
Ofcourse, medyo magastos ang mga ganito. Iba pa rin yung ikaw ang nag-prepare at nagluto para sa iyong mga mahal sa buhay. Salamat na din sa mga available na instant sauces at mixes sa market at naging madali din ang pagluluto.
Kagaya nitong entry ko for today. Napaka-simple at napaka-dali lang lutuin. mainade lang at isalang sa turbo broiler ay ayos na. At habang niluluto ito, pwede ka pang gumawa ng iba pang bagay. Sa case kong ito, nagluto pa ako ng instant soup naman para may sabaw ang mga bata. Easy di ba?
TURBO BROILED CHICKEN BARBEQUE
Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh
1/2 cup Barbeque marinade mix
1/2 cup Smokey Barbeque Sauce
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. brown Sugar
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Sesame oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken sa barbeque marinade mix, asin, paminta, bawang, brown sugar at sesame oil. Hayaan ng mga 30 minutes. Overnight mas mainam.
2. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees.
3. After ng mga 30 minuto, pahiran ang mga manok ng barbeque sauce. Gawin ito every 5 minuts hanggang sa pumula na at maluto ang manok.
4. Paghaluin ang marinade mix at natirang barbeque sauce at isalang sa apoy para mahing sauce. Maaring lagyan pa ng brown sugar..tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks