FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING
Paborito ko ang mga Chinese dumplings kagaya ng Siu Mai. Madalas nga napapadaan ako sa mga food kiosk na nakikita natin sa mga mall or MRT stations. Gustong-gusto ko ito lalo na kung maraming chili-garlic sauce. Hehehehe.
Gamit ang recipe sa ibaba, maari kayong gumawa ng tatlong o higit pang klase ng dish mula rito. Pwede kayong gumawa ng siu mai, shanghai roll o lumpiang shanghai, fried pork dumplings or shrimp & pork balls. Ang galling di ba? Hehehe. Pero ako dalawa lang ang ginawa ko ditto. Siu mai nga at itong entry ko for today ang Fried Pork & Shrimp dumplings.
Madali lang itong gawin. Basta ang importate dito ay yung dami ng hipon at yung konting taba na kasama.
FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING
Mga Sangkap:
½ kilo Giniling na Baboy (mas mainam yung may taba ng konti)
250 grams Hipon o Sugpo (alisin yung ulo at balat at hiwain ng maliliit)
1 cup Shitake Mushroom (hiwain ng maliliit)
1 cup Singkamas (hiwain ng maliliit)
1 large Red Onion finely chopped
1 tsp. Garlic powder
2 tbsp. Cornstarch
2 pcs. Eggs beaten
1 tsp. ground Black Pepper
2 tbsp. Sesame Oil
2 tbsp. Soy Sauce
Salt to taste
Dumpling or Wanton Wrapper (round shape)
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
- Sa isang bowl pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa dumpling wrapper.
- Para matiyak kung tama na ang lasa, mag-prito o mag-steam ng kaunting pinaghalong mag sangkap at tikman. I-adjust ang seasoning kung kinakailangan.
- Mag-lagay ng kaunting pinaghalong sangkap at saka i-fold ang dumpling wrapper.
- Gamit ang tinidor, i-press ang gilid ng dumpling wrapper para maisarap ito.
- I-prito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
- Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sweet chili sauce o catsup.
Enjoy!!!!
Comments