FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING

Paborito ko ang mga Chinese dumplings kagaya ng Siu Mai. Madalas nga napapadaan ako sa mga food kiosk na nakikita natin sa mga mall or MRT stations. Gustong-gusto ko ito lalo na kung maraming chili-garlic sauce. Hehehehe.

Gamit ang recipe sa ibaba, maari kayong gumawa ng tatlong o higit pang klase ng dish mula rito. Pwede kayong gumawa ng siu mai, shanghai roll o lumpiang shanghai, fried pork dumplings or shrimp & pork balls. Ang galling di ba? Hehehe. Pero ako dalawa lang ang ginawa ko ditto. Siu mai nga at itong entry ko for today ang Fried Pork & Shrimp dumplings.

Madali lang itong gawin. Basta ang importate dito ay yung dami ng hipon at yung konting taba na kasama.

FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING

Mga Sangkap:

½ kilo Giniling na Baboy (mas mainam yung may taba ng konti)

250 grams Hipon o Sugpo (alisin yung ulo at balat at hiwain ng maliliit)

1 cup Shitake Mushroom (hiwain ng maliliit)

1 cup Singkamas (hiwain ng maliliit)

1 large Red Onion finely chopped

1 tsp. Garlic powder

2 tbsp. Cornstarch

2 pcs. Eggs beaten

1 tsp. ground Black Pepper

2 tbsp. Sesame Oil

2 tbsp. Soy Sauce

Salt to taste

Dumpling or Wanton Wrapper (round shape)

Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:

  1. Sa isang bowl pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa dumpling wrapper.
  2. Para matiyak kung tama na ang lasa, mag-prito o mag-steam ng kaunting pinaghalong mag sangkap at tikman. I-adjust ang seasoning kung kinakailangan.
  3. Mag-lagay ng kaunting pinaghalong sangkap at saka i-fold ang dumpling wrapper.
  4. Gamit ang tinidor, i-press ang gilid ng dumpling wrapper para maisarap ito.
  5. I-prito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
  6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang sweet chili sauce o catsup.

Enjoy!!!!



Comments

Anonymous said…
have you also tried steaming this sir? :)
Dennis said…
Hi thehungrygiant....Yup, yun nga ang ginawa ko dun sa half na nagawa ko. Yun lang p0a-siu mai ang ginawa ko naman na balot.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy