GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI


Ordinaryong maituturing ang ginisang munggo sa ating hapag kainan. Pangkaraniwan ay inihahanda natin ito tuwing araw ng Biyernes. Ewan ko kung bakit. Hehehehe.

Pero, sa tingin nyo ordinaryo pa ba ito kung lalahukan natin ng Lechong kawali? Sa palagay ko ay hindi. Nagiging espesyal ang hamak na ginisang munggo.

Ito ang ginawa ko sa luto kong ginisang munggo nitong nakaraang Friday. Nagluto kasi ako ng 1.7 kilo na Lechon kawali at alanganin ito kung dalawang kain ang gagawin namin.

Dalawa ang iniisip kong luto nung mga oras na yun. Ito ngang ginisang munggo at ang isa pa ay chop suey con lechon. Remember yung Amplaya con Lechon na entry ko? Parang ganun ang luto.

But anyway, masarap ang kinalabasan ng munggo dish ko na ito. Kung baga, hindi tipid sa sarap at lasa.


GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI

Mga Sangkap:
1 cup Monggo beans (ibabad ng overnight sa tubig)
2 cups Lechon Kawali (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 pcs. Tomatoes sliced
Dahon ng Amplaya
1 pc. Knorr Pork Cubes
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang binabad na munggo sa isang kaserolang may tubig. Hayaang maluto hanggang sa madurog.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
3. Isunod na ilagay ang hiniwang lechong kawali. Halu-haluin.
4. Lagyan ng 1 tasang tubig at timplahan ng asin at paminta.
5. Isalin sa pinakuluang munggo ang ginisang lechong kawali. Halu-haluin at hayaang kumulo pa para lumasa ang ginisa sa munggo.
6. Ilagay na din ang knorr cubes at timplahan pa ng asin at paminta.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang dahon ng amplaya at saka patayin ang apoy ng kalan.

Ihain habang mainit pa kasama ng paborito ninyong pritong isda.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Good idea yan, kuya! Para maiba naman kami kasi lagi tinapa ang kasama ng munggo namin hehehe.
Dennis said…
Masarap din yun J...pero duda ako kung may matitira pa na lechon kawali pag nagluto ka nito....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy