BEEF POCHERO with PENNE PASTA

Natatandaan nyo ba yung beef dish na calandracas na nai-post ko din dito sa food blog kong ito? Ito yung beef dish na parang nilagang baka lang na nilagyan ng macaroni pasta at chorizo. Mas naging rich yung flavor ng sabaw nito dahil sa chorizo na nakasama.

Yun ang naisip ko nung magluto ako nitong Beef Pochero. Yup, may beef pochero na ako sa archive. But this time naisipan kong gayahin yung nasa calandracas at nilahukan ko din ito ng chorizo at macaroni pasta. Okay naman ang kinalabasan. Naging extender yung macaroni at naging mas malasa yung sauce dahil sa chorizo.

Try nyo din. Masarap talaga.


BEEF POCHERO with PENNE PASTA

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
2 sticks Chorizo de Bilbao or Longanisang Macau
2 cups Penne Pasta or any kind of Macaroni pasta
2 cups Tomato Sauce
Pechay
Repolyo
Baguio beans cut into 1 inch long
5 pcs. Saba cut into 2
2 pcs. Sweet Potato o Kamote cut into cubes
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
Brown Sugar as needed
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang karne ng baka sa kaunting mantika. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang baka at lagyan ng tubig. Dapat lubog sa tubig ang karne ng baka. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
5. Ilagay ang pasta at hayaang maluto. Isunod na rin dito ang chorizo, kamote at saging na saba.
6. After ng ilang minuto, isunod nang ilagay ang tomato sauce at bown sugar at hayaan muling kumulo.
7. Timplahan muli ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa. Dapat na lasa dito ay yung naghahalo ang alat, tamis at asim ng tomato sauce.
8. Ilagay ang Baguio Beans at hayaan ng ilang minuto.
9. Huling ilagay ang pechay at repolyo. Maaring hinaan o patayin na ang apoy. Maluluto na ng init ng sauce ang pechay at repolyo.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy