CRISPY TILAPIA with SHITAKE MUSHROOM & BLACK BEANS SAUCE

Sa mga pagkaing ating inihahain sa ating mga mahal sa buhay, minsan dumarating yung pagkakataon nagsasawa na tayo sa klase ng luto na ating ginagawa. Para bang paulit-ulit na lang ang ulam at nakaka-umay na kung minsan.

Siguro marapat lang na gawan natin ng twist o kakaibang bihis ang mga lutuin natin na pangkaraniwan. Kagaya nitong hamak na pritong tilapia. Para maiba naman, bakit hindi natin ito lagyan ng sauce? Marami tayong pwedeng pagpilian. Pwedeng ginisang kamatis na may itlog. O kaya naman ay sweet and sour sauce. At itong entry ko for today na nilagyan ko ng shitake mushroom at black bean sauce. Nasa sa atin na siguro kung ano pang sauces ang pwede nating ilagay. Kung baga, lagyan na lang natin ng kaunting imagination. Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panibagong bihis ang pangkaraniwang pritong tilapia na ito.


CRISPY TILAPIA with SHITAKE MUSHROOM & BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
4 pcs. medium to large size Tilapia (hiwaan sa katawan)
6 pcs. Shitake Mushrom sliced
2 tbsp. Unsalted Black Bean Sauce
3 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 thumb size Ginger cut into strips
5 cloves minced Garlic
1 large Onion slices
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Onion leaves for garnish
Cooking Oil for frying
Salt and pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang tilapia at hayaan ng mga ilang sandali.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at maging crispy.
3. Sa parehong kawali, alisin ang mantika at mag-tira lamang ng mga 2 kutsara.
4. Igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.
5. Sunod na ilagay ang black bean sauce at shitake mushroom.
6. Timplahan na din ng toyo, oyster sauce, brown sugar, konting asin, paminta at kaunting tubig.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Maaring lagyan pa ng tubig para ma-adjust ang lapot ng sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong tilapia.
10. Lagyan ng hiniwang onion leaves sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

natutuwa po ako sa mga post nyo. :) salamat po for sharing!

nakita ko lang po kayo sa google nung nag-search ako ng pinoy recipes. hehe. and im glad i found your blog. iffollow ko po kayo ha? :)
Dennis said…
Hi Rajsh....Salamat naman ang nagustuhan mo ang foog blog ko.....REquest ko lang na sana ay i-share mo din ito among your friends and relatives.

Thanks again


Dennis
sige po, wala pong problema! :)
Jessica said…
yum...looks very delicious, am drooling too :-) Dropping some love for Food Trip Friday, hope that you can visit me back too

http://www.jessysadventure.com/2011/11/beef-stew-my-families%E2%80%99-favorite-food-to-eat-during-fall.html

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy