FRIED CHICKEN BREAST FILLETala CHOWKING
Na-try nyo na ba yung Chinese Style Fried Chicken ng Chowking? Ako mga ilang beses na din at nagustuhan ko naman talaga siya. May kakaiba kasi siyang lasa as compare sa mga fried chicken ng ibang fast food store.
Tuwing kumakain ako nito sa Chowking, pinipilit kong lasahin kung anong flavor ba talaga ang inilagay nila dito. Gusto ko kasi itong gayahin sa haus. Hehehehe.
At nitong nakaraang araw nga ay sinubukan kong lutuin ito pero gamit ang chicken breast fillet na hindi ko alam nung una kung anong luto ang gagawin ko. Hehehe
Okay ang kinalabasan. Halos magkasing lasa ito sa Chowking.
FRIED CHICKEN BREAST FILLET ala CHOWKING
Mga Sangkap:
4 pcs. whole Chicken Breast Fillet (hiwain sa gitna)
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
4 tbsp. Sesame Oil
1 tbsp. Garlic Powder
Salt and pepper to taste
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 cup Rice flour
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang manok sa oyster sauce, sesame oil, garlic powder, asin at paminta. I-marinade ito ng mga 2 araw.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina, cornstarch at rice flour. Timplahan din ito ng asin at paminta. Lagyan ng tubig at haluin mabuti para makagawa ng batter. Dapat medyo malapot ito.
3. Magpa-init ng mantika sa kawali. Dapat lubog dito ang manok na ipi-prito.
4. Ilubog ang manok sa ginawang batter at i-prito ito ng lubog sa mantika.
5. Lutuin ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang gravy or catsup.
Enjoy!!!!

Comments
http://notjustafoodblog.blogspot.com
Advanced Merry Christmas ha...
Thanks