GRILLED LEMON CHICKEN SKEWER

Nalalapit na talaga ang kapaskuha. Alam kong katulad ko, abalang-abala na tayo sa mga paghahanda katulad ng mga dekorasyon, mga regalong ipamimigay at ang mga pagkaing ihahanda sa Noche Buena.

Kahit ako hindi ko pa maisip kung ano ang masarap na ihanda. Gusto ko yung kakaiba naman sa nakasanayan na natin na madalas na din nating nakakain sa araw-araw o kahit na hindi pasko.

Etong entry ko for today ay pwede nating i-consider na isa sa masarap na ihanda sa Pasko. Sa halip na classic pork barbeque, bakit hindi itong healthy na grilled chicken fillet na ito. Tiyak ko magugustuhan ng inyong pamilya lalo na ang mga bata.

Ang masarap sa barbeque na ito ay pwede kang gumawa ng ibat-ibang sauces para sa magkakaibang panlasa ng inyong pamilya. Kahit nga sa bahay nung niluto ko nito, dalawang sauce ang ginamit. Yung isa ay Clara Ole Ranch flavor dressing at yung isa naman ay ordinaryong calamansi at toyo. Pwede rin na peanut butter sauce na parang satay ang dating. Ano sa palagay nyo? :)


GRILLED LEMON CHICKEN SKEWER

Mga Sangkap:
4 whole Chicken Breast Fillet (cut into bite size pieces)
1 pc. Lemon (gadgarin yung balat at kuhanin yung katas)
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Olive Oil
Barbeque sticks (ibabad muna sa tubig bago gamitin)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang chicken breast fillet sa katas ng lemon, lemon zest, worcestershire sauce, olive oil, asin at paminta. Hayaan ma-marinade ng overnight.
2. Gamit ang barbeque stick, tuhugin ang manok sa nais na dami per stick. Maaring lagyan ng hiniwang lemon ang pina-unang bahagi ng stick.
3. I-ihaw ito hanggang sa maluto. Pahiran ang manok ng marinade mix from time to time.

Ihain ito kasama ang mga sauces na nais.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy