PAN-GRILLED PORK TENDERS


Every Sunday pagkatapos naming mag-simba, kumakain kami ng aking pamilya kung saan mang fastfood or restaurant na mapili namin that time. Ginagawa namin ito komo nga minsan lang kami nagkakasabay-sabay kumain dahil sa work.

Nitong nakaraang Sunday, ginusto ng aking mga anak na dito sa pinaka-sikat na fastfood kami mag-lunch. Burgers ang in-order ng tatlo kong anak samantalang kami naman ng aking asawa ay yung bago nilang product na grilled pork tenders. Hehehehe...alam nyo na siguro kung alin ang fastfood store na ito...hehehe. Ito ang napili namin komo katakam-takam naman talaga ang picture nito sa mga billboards na nagkalat sa EDSA.

Pero sa totoo lang, hindi namin nagustuhan ang dish na ito. Hindi ko alam kung over-marinated or kung ano ang kulang o sobra. Kahit ang asawa kong si Jolly ay ganun din ang comment. Kung baga, malayong-malayo yung nai-imagine mong lasa nung nasa billboard kumpara sa actual na dish na.

Kaya ang nasabi ko na lang, "Hayaan mo mommy ipagluluto kita ng ganyan sa bahay...". At yun nga ang ginawa nitong nakaraang araw. Sliced pork marinated in barbeque sauce and tanduay ice then grilled sa kawali....presto! Mas masarap pa kesa dun sa nakain namin sa fastfood. Hehehe..


PAN-GRILLED PORK TENDERS

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or pigue (hiwain ng medyo manipis)
1 cup Barbeque Sauce
1/2 bottle Tanduay Ice
1 head minced Garlic
3 tbsp. Canola oil
1 tbsp. Baking Soda
1 tsp. ground Black Pepper
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Lagyan ng baking soda ang hiniwang karne ng baboy at hayaan ng mga 1 hanggang 2 oras.
2. Hugasan ito at ilagay sa isang bowl.
3. Ilagay ang barbeque sauce, tanduay ice, minced garlic, paminta, toyo, brown sugar at mantika. I-marinade ito ng overnight.
4. Sa isang non-stick na kawali, i-grill ito hanggang sa pumula ng bahagya ang magkabilang side at maluto.

Ihain ito na may kasamang toyo na may calamansi at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy