PINEAPPLE MARINATED ROAST CHICKEN


The last time na umuwi kami sa bayan ng aking asawa sa SanJose, Batangas para sa undas, pinauwian kami ng aking biyenan ng prutas na Guyabano. Bihira lang kami makakain nito at talaga namang nagustuhan ng aking mga anak.

May natira pa kalhati nito sa fridge at naisipan kong gamitin ito para gumawa ng guyabano marinated roast chicken. Nabasa ko ito sa Yummy.ph na website.

Kaso, nung gagawin ko na ito, nawawala na ang natirang guyabano. Yun pala kinain na ng aking mga anak. Hehehe. So papaano na? Doon ko nakita ang natirang pineapple chunk na ginamit ko sa aking pork burger.

Using the same procedure kung guyabano ang gagamitin, naging masarap din ang pineapple marinated roast chicken ko na ito. Promise, itutuloy ko pa din yung guyabano version one of this day. hehehe


PINEAPPLE MARINATED ROAST CHICKEN

Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Legs
2 cups Pineapple chunk
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok.
2. Gamit ang blender, i-puree ang pineapple chunk, bawang at sibuyas.
3. Ibuhos ito sa manok at mayaang ma-marinade ng overnight.
4. Lutuin ito sa turbo boiler o oven sa init na 250 degrees na may takip na aluminum foil.
5. After ng 15 minutes, alisin ang aluminum foil at hayaang maluto hanggang sa pumula ang balat ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:

FTFBadge

Comments

J said…
Ahehehe matitindi pala ang mga chikiting mo!

Di bale, masarap pa rin naman yan roasted sa pineapple!
Unknown said…
nyahaha..inunahan ka pala ng mga anak mo...anyway, aabangan ko yang guyabano roasted chicken mo...hehe visiting from FTF.

kat-in-the-kitchen
yun nga ang naisip ko nung mabasa ko ang guyabano pero sa picture pine apple, lol!
Dennis said…
Hahahaha....Yun na nga...naunahan ako ng mga anak ko sa guyabano....hehehe. Pero next week siguro magawa ko na yung sa guyabano....

Thank you J, Kat and Willia...
Jessica said…
yum....looks very delicious, am drooling and hungry too. Thank you for sharing :-) Dropping some love for Food Trip Friday, hope that you can return the favor too

http://www.adventurousjessy.com/2011/11/fried-chicken-with-corn-and-pasta-for-food-trip-friday-2.html

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy