THAI BASIL CHICKEN version 2
This is the second time na niluto ko itong Thai dishes na ito. Yung una ay nung 2009 pa at chicken drumstick ang ginamit ko. In the original recipe kasi ng dish na ito, ground chicken ang ginagamit. Also, dun sa unang version hindi ko nilagyan ng pampa-anghang komo nga baka hindi makain ng mga anak ko. In this new version nilagyan ko na but using spicy soy sauce na tamang-tama lang ang anghang at kaya ng mga batang kainin.
Masarap ang dish na ito. Asyanong-asyano ang dating. Sa mga makakatikim tiyak kong magugustuhan nila ito dahil kakaiba ang dating ng lasa.
THAI BASIL CHICKEN version 2
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet cut into strips
100 grams Fresh Basil Leaves (alisin yung mga tangkay ng dahon)
3 tbsp. Patis or more
3 tbsp. Oyster Sauce
3 tbsp. Spicy Soy Sauce (or ordinary soy sauce)
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Chili Powder (kung spicy na yung toyo nyo huwag nang lagyan nito)
1 tsp. Cornstarch
3 tbsp. Canola oil
5 cloves minced Garlic
1 medium size Red Onion sliced
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa oyster sauce, asin at paminta ng overnight.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Sunod na ilagay ang minarinade na chicken fillet. halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink.
4. Timplahan na ang patis, toyo, chili powder, at brown sugar. Halu-haluin
5. Ilagay na ang sibuyas at hayaan muli ng mga 2 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang dahon ng basil.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments