CRISPY PATA
All time favorite ng mga pinoy itong crispy pata. Well sino ba naman ang hindi matatakam sa malutong at malasang dish na ito na ayos na ayos na pang-ulam o pan-pulutan man. (O eto na naman ang isa pang pulutan recipe...hehehehe)
Ito ang isa sa mga dish na niluto nitong nakaraan naming wedding anniversary ng aking asawang si Jolly. Simple dinner lang at kami-kami din lang ang kumain. Walang ibang bisita.
Sa pagluluto ng crispy pata, importante na ang pata na gagamitin ay yung sa bata pa na baboy. Malalaman mo ito sa kapal ng balat. Kapag medyo makapal, matanda na o inahin ang baboy. Huwag ito ang gamitin at baka hindi nyo makain ang balat sa tigas. Hindi din ito mapapalutong.
Importante din ang flavor na iyong ilalagay sa pagpapakuluan ng pata. Yung iba, simpleng asin at paminta lang ang inilalagay. Pero ako, gumagamit ako ng mga herbs at spices para lalo pang mapasarap ang favorite natin na ito.
CRISPY PATA
Mga Sangkap:
1 medium size Pork Leg (Pata)
1 tsp. Paprika
1 tbsp. Rock Salt
2 pcs. Dried laurel leaves
1 head Garlic (whole)
1 large Onion quatered
1 tsp. Whole Pepper corn
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil. Lagyan tubig. Dapat lubog ang pata ng baboy.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata.
3. Palamigin muna.
4. Kung malamig na, tusuk-tusukin ng tinidor ang paligid ng balat ng pata. Mainam na gawin ito para mag-pop ang balat niya habang niluluto.
5. Ilagay sa freezer ng overnight bago i-prito. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang masyadong pagtilamsik ng mga mantika habang piniprito.
6. From the freezer i-prito ang pata sa kumukulong mantika. Dapat atleast kalhati ng pata ay nakalubog sa mantika. Maaring takpan para di kayo matilamsikan ng mantika.
Note: Kung gagamit naman ng turbo broiler, i-set ang temperature sa pinakamainit.
7. Lutuin ito hanggang sa pumula at mag-pop ang balat ng pata.
Ihain na may kasamang suka nat may toyo, calamansi, sibuyas at kaunting asukal.
Enjoy!!!

Comments
Temptation ka talaga !
kung saan pa naman nagdadiet ako hmmm.. masarap magluto nyan this weekend !
pero grabe kasi yan sa taba.
pa piknit piknit nalang siguro ako eh.
have a nice week ! and always thank you for your nice recipe and ofcourse your blog.
Okay lang yan pag paminsan-minsan lang....Kailan ka kakain ng gusto mong kainin? kapag bawal na sa iyo ang lahat? hehehe... (tukso talaga ako no? hehehehe)