CRISPY PORK LIEMPO in SINIGANG MIX

Sa mga working mom or dad na kagaya ko, na naghahanda pa ng dinner pagka-galing sa trabaho, ito ay para sa inyo.

Mahirap para sa ating mga working mom and dad ang ganitong sitwasyon. Kaya ang ginagawa ko madalas ay sa umaga ko na niluluto ang ulam namin for dinner. Buti na lang ang ang panganay kong anak na si Jake ay marunong nang mag-saing kaya bawas na yun sa lulutuin ko pa.

Nitong nakaraang araw, hindi ako nakapagluto ng pang-ulam namin sa dinner. Kaya naman naging impromtu ang dish na ito na niluto ko. Ilang minuto lang siguro in less than 20 minutes ay napakain ko na ang aking mga anak.

Try nyo din ito kung madaliang pork dish ang gusto ninyo. Madalian pero hindi tipid sa lasa at sarap.


CRISPY PORK LIEMPO in SINIGANG MIX

Mga Sangkap:
6 slices Pork Liempo
2 tbsp. Sinigang Mix
Cooking oil for frying
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kutsilyo, tusuk-tusukin ang laman ng liempo.
2. Sa isang bowl, pagsamahin ang sinigang mix, konting asin at paminta.
3. Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa paligid ng liempo. Hayaang ng mga 5 minuto.
4. I-prito ang liempo sa kumukulong mantika hangang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel

Ihain na may kasamang lechon sauce o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
we've tried this too but we used chicken instead of liempo ;)
J said…
hindi ba super asim kuya?
Dennis said…
Tama ka pinkcookies....actually yun ang nasa isip ko nung sa liempo ko naman ginawa. Ang it taste really good.
Dennis said…
HIndi naman J....basta ma-coat lang ang magkabilang side ng liempo and it's okay. Yummy ito talaga....:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy