GINISANG TINAPA with SALTED EGG
Nai-post ko na din kung ano ang food na in-order namin that time. At ang nakatawag ng pansin sa akin ay itong Ginisang Tinapa na in-order ng aking asawa. Sa isip ko gagayahin ko ang breakfast dish na ito. At eto na nga. Natuloy din. Nagustuhan naman ng asawa ko ang tinapa dish na ito. At halos malapit sa aking pinagkopyahan. Hehehehe. Try nyo din ito at katulad ko ay tiyak kong magugustuhan nyo din.
GINISANG TINAPA with SALTED EGG
Mga Sangkap:
8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik)
4 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
3 pcs. Tomatoes sliced
2 tbsp. Olive oil
1 tbsp. Liquid Seasoning
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Sunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Timplahan ng konting asin at paminta. halu-haluin. Hayaan ng ilang minuto para lumasa ang gisa.
3. Sunod na ilagay ang salted egg o itlog na pula. halu-haluin.
4. Ilagay ang liquid seasoning. Tikman at i-adjust ang lasa
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
This is my entry for:
Comments
Visiting for FTF! Hope you can stop by:)
http://www.mommys4seasonsjourney.com/2012/02/meat-loaf.html
http://www.adventurousjessy.com/2012/02/our-foods-at-the-chuck-e-cheese.html