GINISANG TINAPA with SALTED EGG

Remember yung posting ko about attending a Sunday Mass at ABS-CBN with Fr. Suarez as the mass celebrant? Yes. After nun nag-invite ang sponsor ng mass na boss ng asawa kong si Jolly na si Doc Baby for a breakfast at UCC Coffee sa may Tomas Morato. Syempre libre yun kaya join naman kami.

Nai-post ko na din kung ano ang food na in-order namin that time. At ang nakatawag ng pansin sa akin ay itong Ginisang Tinapa na in-order ng aking asawa. Sa isip ko gagayahin ko ang breakfast dish na ito. At eto na nga. Natuloy din. Nagustuhan naman ng asawa ko ang tinapa dish na ito. At halos malapit sa aking pinagkopyahan. Hehehehe. Try nyo din ito at katulad ko ay tiyak kong magugustuhan nyo din.


GINISANG TINAPA with SALTED EGG

Mga Sangkap:
8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik)
4 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
3 pcs. Tomatoes sliced
2 tbsp. Olive oil
1 tbsp. Liquid Seasoning
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Sunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Timplahan ng konting asin at paminta. halu-haluin. Hayaan ng ilang minuto para lumasa ang gisa.
3. Sunod na ilagay ang salted egg o itlog na pula. halu-haluin.
4. Ilagay ang liquid seasoning. Tikman at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Tito Eric said…
Mukhang masarap ito! Thanks for sharing.
anne said…
Easy peasy nga ang instructions mukhang makakasunod ako, hehehe I hope visiting from FTF mine is up here Sahm’s Dining Diary
J said…
Kuya natikman mo na po yung Tinapa Rice sa Mesa (Filipino Moderne)? Masarap po siya
Dennis said…
Tama ka Tito Eric...lalo na pag may kasamang garlic rice, sunny side up na itlog at mainit na kape....hhehehe...Winner!!!!!
Dennis said…
Madali lang talaga Anne....whats good with this dish is the smokey taste of tinapa and the ginisa flavor. Yummy!!!
Dennis said…
Saan yung Mesa J? Di ko pa na try yung ganun. But I think fried rice lang siya with tinapa bits. Masarap nga ito. Samahan na din ng itlog na pula na may kamatis on th side. Panalo!!!!
iska said…
Ang sarap naman nito! Gusto ko yan... tyak na mapapadami ng kuha ng kanin lalo na pagnaka-kamay :-)
Thank's for sharing.. I will give this a try;)

Visiting for FTF! Hope you can stop by:)

http://www.mommys4seasonsjourney.com/2012/02/meat-loaf.html
Dennis said…
Thanks Iska....sinabi mo....hehehehe. Masarap dinn ito ipalaman sa fresh lettuce... babalutin na parang lumpia. Yung sa UCC Coffee naka-patong yung ginisang tinapa sa fresh lettuce cups naman. Yummy!!!!
Dennis said…
Try it's Cassandra....Pwedeng maglagay ng sawsawan na calamansi na may patis on the side. Winner!!!!
Sarap nito for sure kahit hindi breakfast time. Pwedeng-pwede itong ulam anytime of the day!
Dennis said…
Pwede FoodTripFriday....samahan mo na din ng manggang hilaw at bagoong on the side. Wow!!!!!
Jessica said…
ang sarap naman nito Brother Dennis, tinapa is very special to eat here in America :-) Visiting from Food Trip Friday, hope that you can return the visit too.

http://www.adventurousjessy.com/2012/02/our-foods-at-the-chuck-e-cheese.html
Dennis said…
Hi Jessy...atleast kahit papaano nakakain pa rin kayo ng tinapa dyan sa US...yun lang may kamahalan. Mahirap din naman kung gagawa ka ng tinapa from scratch....:)
cHeErFuL said…
tinapa at itlog na maalat pa lang ok na ok na, lalo na siguro kung pinagsama pa! thanks po sa recipe, sana may tinapa at itlog na pula dito sa bangkok, try ko iyan gawin! visiting late po from FTF, hope to s you around. thanks and have a great week. :)
Dennis said…
Thanks cheeeful....Tama yung sinabi mo itlog na pula pa lang at kamatis ay solve na...papaano pa kung sinamahan mo ng tinapa flakes at yung gisa flavor....Wow!!! di ba......thanks agaion for the visit. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy