ENSELADANG TALONG, MANGGA at BAGOONG
Masarap! Yun ang maganda sa enseladang ito. Ibat-ibang flavor at texture sa bibig habang kinakain. Ayos na ayos ito na side dish sa mga inihaw kagaya ng isda, liempo o manok man. tiyak kong mas lalo kayong gaganahan kapag may side dish kayo na ganito. Ito pala ang side dish nung nag-ihaw ako ng tilapia na may palamang kamatis, sibuyas at bagoong alamang. Panalo! sira na naman ang diet ko. hehehehe
ENSELADANG TALONG, MANGGA at BAGOONG
Mga Sangkap:
3 pcs. Talong
1 pc. Manggang Hilaw cut into strips
3 pcs. Kamatis sliced
1 pc. Sibuyas sliced
1/2 cup Bagoong Alamang (sweet or spicy flavor)
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-ihaw ang talong, balatan at hiwain sa nais na laki.
2. Sa isang bowl, paghalu-haluin ang lahat ng mga sangkap.
3. Tikman at i-adjust ang seasoning.
Ihain kasama ang paborito ninyong inihaw na isda, baboy o manok.
Enjoy!!!!
Comments
P.S. Kuya nag-eemail ako sa yo pero twice na bumalik sa akin. Meron ka pa bang ibang email address?
Anong email add ba ginamit mo? denniscglorioso@yahoo.com? pwede din dito... edp@megaworldcorp.com