GINISANG TALBOS at OKRA sa BAGOONG

Dito sa may labasan namin malapit sa isang istasyon ng provincial bus, may mga nagtitinda ng mga prutas at gulay na fresh galing probinsya. Pahapon sila kung magtinda dito para siguro hindi mainit.

Napabili ang asawa kong si Jolly ng sariwang talbos ng kamote at dahon ng malunggay. Iluto ko daw at ako na ang bahala. Ang nasa isip ko lang ay i-steam ito at isawsaw sa bagoong alamang. masarap yun di ba? Kasama ang pritong isda alam kong marami na naman kaming makakain sa ini-steam na talbos na ito. hehehe.

Kaso bago ko pa na-steam yung gulay (sinamahan ko pa din kasi ng okra), napansin kong kokonti na yung bagoong na nabili ko. parang bitin kung gagawin ko pang sawsawan. Kaya ang ginawa ko na lang, iginisa ko ang talbos at okra at saka ko nilagyan ng bagoong. Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce to add flavor at para may konting sipa na din. At yun! panalo ang gulay dish na ito.


GINISANG TALBOS at OKRA SA BAGOONG

Mga Sangkap:
2 tali Talbos ng Kamote
10 pcs. Okra (hiwain sa dalawa)
1/2 cup Bagoong Alamang (yung regular gisa flavor)
1 tsp. Chili-Garlic Sauce
4 cloves Minced Garlic
1 medium size Onion sliced
2 tbsp. Canola oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang okra at bagoong. Lagyan ng kaunting tubig. Takpan hanggang sa maluto ang okra.
3. Sunod na ilagay ang talbos ng kamote at chili-garlic sauce. Halu-haluin.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy