GOTO (Beef Tripe)
Ang goto ay isang popular na meryenda sa ating mga Pilipino. Yung iba kagaya namin ginagawa din itong pang-almusal sa umaga. Lugaw ito na may laman na lamang loob ng baboy o baka.
Hindi ko alam kung alam na ng iba na iba-iba ang ginagamit na lamang loob sa pagluluto ng goto. Yung iba, tokong o bituka ng baboy ang ginagamit. Yung iba naman ay yung tuwalya ng baka (tripe). Yun lang mas matagal itong palambutin.
Sa bayan ng aking asawa sa Batangas, iba ang goto nila doon. Ang goto nila doon ay walang lugaw o nilagang kanin. Ang goto nila doon ay puro laman lang na tuwalya ng baka at sabaw. Pero wag ka, gustong-gusto nila ito. I hope one of this day ay makapagluto din ako ng Goto na Batangas version. hehehe
GOTO (Beef Tripe)
Mga Sangkap:
1/2 kilo Beef Tripe (cut into about 1 inch long)
1 cup Malagkit na bigas
1 cup Ordinary na Bigas
2 heads Minced Garlic
3 thumb size Ginger sliced
1 large Onion sliced
5 pcs. Hard Boiled Eggs
Onion leave to garnish
1 tsp. Maggie magic Sarap
2 pcs. Beef cubes
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang beef tripe. Hugasan ng maraming beses hanggang sa mawala ang amoy at lansa ng beef tripe.
2. Pakuluan ito sa isang kaserolang may tubig at asin hanggang sa lumambot.
3. Sa isang kaserola, I-prito muna ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sunod na igisa ang luya at sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay ang pinalambot na beef trip at mga 2 tasa ng sabaw ng pinaglagaan nito.
6. Ilagay na din ang hinugasang malagkit at ordinaryong bigas. Dagdagan ng tubig at hayaang kumulo.
7. Haluin palagi para hindi manikit o magtutong ang bottom ng kaserola.
8. Lutuin ito hanggang sa madurog na mabuti ang bigas.
9. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at beef cubes. Tikman at i-adjust ang lasa ayon sa inyong panlasa.
Maghango sa isang bowl at lagyan ng ginayat na dahon ng sibuyas at nilagang itlog sa ibabaw.
Kainin habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Umuwi kami diyan sa Pinas kuya. Pero sandali lang kasi nagbakasyon pa kami sa HK.