PORK ASADO with STIR FRIED KANGKONG

Mahirap talagang pakainin ng gulay ang mga bata. Madalas pwersahan na ang ginagamit natin para lang sila mapakain. Sa tatlong kong anak, ang pangalawa kong anak na si James ang talaga namang napakahirap pakainin ng gulay. Para ma-please lang ako, kakain din siya kahit katiting lang.

Kaya ang ginagawa ko, hanggat maaari ay inihahalo ko na lang ang gulay sa lahat ng klase ng ulam na aking niluluto. Nagiging extender na rin at pang-garnish para lalong maging mas katakam-takam ang ating mga ulam.

Kagaya nitong pork asado na niluto ko nitong isang araw. Ginawan ko pa siya ng stir fried na kangkong at ginawa kong base sa pork asado. Tingnan nyo naman ang pict ng kinalabasan. Naging mas katakam-takam at nakadagdag pa sa aming ulam ang gulay. At huwag ka, kumain nito ang aking anak na si James. hehehehe


PORK ASADO with STIR FRIED KANGKONG

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Kasim or Pigue (pahiwa ng pahaba)
2 cups Pineapple Juice
2 pcs. Star Anise
1 head Garlic
1 large Onion sliced
1/2 cup Soy Sauce
3 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame Oil
2 taling Kangkong

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pagsama-samahin ang karne ng baboy, pineapple juice, star anise, garlic, toyo, onion at timplahan ng asin at paminta. Lagyan na rin ng mga 2 tasang tubig.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot at maluto ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung luto na ang karne, hanguin ito at palamigin sa isang lalagyan.
4. Magtabi ng mga 1/2 tasang sabaw o sauce na pinaglutuin ng karne.
5. Muling buksan ang apoy at pakuluin ang pinaglutuan ng karne.
6. Lagyan ng brown sugar at tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Huling ihalo ang sesame oil sa sauce.
9. Sa isang kawali, ilagay ang itinabing sabaw o sauce na pinaglutuan ng karne.
10. Kapag kumulo na, ilagay ang hiniwang kangkong at i-stir fry hanggang sa maluto.
11. Hanguin ito sa isang bandehado na paglalagyan din ng asado.
12. Hiwain sa nais na nipis ang pork asado at ilagay sa ibabaw ng kangkong na niluto.
13. Lagyan ng ginawang sauce sa ibabaw ng asado.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Good idea nga yan kuya para kumain ng gulay ang mga bata! Ang stepson ko din ay maselan - ayaw ng kamatis at itlog! :-(
Dennis said…
Thank J...ah yan naman ang kinakain ni Jameso...kamatis. Gusto niya nilalagay sa burger. hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy