ROASTED HONEY-LEMON CHICKEN WINGS
Remember yung nabiling kong 1 kilo na fresh lemon the last time na nag-Baguio kami? Meron pang ilan na natitira sa fridge at naisip ko naman na sayang kung masisira lang at matatapon.
May mga 10 pcs. na Chicken Wings sa freezer at hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko. Naalala ko itong 2 piraso pa ng lemon at naisip ko na i-roast na lang ito sa turbo broiler with pure honey bee.
Kaya lang, naisip ko na baka maging problema ang honey sa marinade. Madali kasi itong masunog at baka maitim na ang balat ng wings e hilaw pa ang loob.
Ang ginawa ko, binalot ko muna ng aluminum foil ang mga chicken wings in the 1st 30 minutes ng paglululuto at in-open ko para pumula na ang balat in the last minutes of cooking.
At hindi ako nagkamali. Masarap at juicy ang kinalabasan ng roasted chicken wings ko na ito. Try nyo din.
ROASTED HONEY-LEMON CHICKEN WINGS
Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Wings
1 pc. Lemon (kunin yung katas at 1 tsp. na zest)
2 tbsp. Pure Honey Bee
1/2 cup melted Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken wings sa lahat ng mga sangkap. Ilagay muna sa fridge ng overnight.
2. Ibalot sa aluminum foil ang mga chicken wings.
3. Isalang sa turbo boiler sa init na 300 degrees. Lutuin sa loob ng 20 to 30 minutes.
4. After ng 20 to 30 minutes, i-open ang aluminum foil at muling lutuin sa loob ng 15 to 20 minutes o hanggang sa pumula ang balat ng manok.
Ihain kasama ang paborito ninyong gravy, catsup o lechon sauce.
Enjoy!!!

Comments