SIU MAI, MISUA at PATOLA SOUP

Binigyan ako ng dalawang pack (12pcs/pack) na siu mai ng kapitbahay kong si JR. Dalawa lang ang naisip kong gawin dito at ito ay yung i-steam lang siya at ang isa naman ay gamiting kong sahog sa misua at patola soup. Remember yung post ko? Pero pork bola-bola naman ang isinahog ko doon.

Simpleng-simple lang ang soup dish na ito. Ang importante dito ay ang sabaw na gagamitin. Pinakuluang buto-buto ng baboy o manok ang the best dito. Kung wala naman o nagmamadali, pwede din yung canned soup or yung instant knorr cubes. Mainam din na sariwa yung patola na gagamitin para maging manamis-namis yung sabaw na kakalabasan.

Ayos na ayos ito na soup at main course na din komo nga malalaki at ulam na ulam na ang siu mai na sahog. Pwede nyo ding lagyan ng nilagang itlog ng pugo para mas maging extra special. Try it!


SIU MAI, MISUA aT PATOLA SOUP

Mga Sangkap:
20 - 24 pcs. Pork Siu Mai o Siomai (may nabibili nito sa frozen section ng mga supermarket)
10 cups Pork or Chicken Broth (or 2 pcs. Pork or chicken cubes)
1 pc. Patola (balatan at i-slice)
2 pcs. Misua noodles
5 cloves minced Garlic
1 large Onion Sliced
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay ang Pork or chicken broth at hayaang kumulo. Kung wala naman, lagyan na lang ng tubig at 2 pcs. na chicken or pork cubes.
3. Kapag kumukulo na, ilagay na ang siu mai, patola at misua. Halau-haluin at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
4. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

karen dj said…
Yes Sir! as of March 14, 2012, pinaulam ko sa 2 bubwits ko ang misua soup... yun nga lang... I used ground lean pork meat and 30 pcs boiled quail eggs (1 tray raw quail eggs sa SAVE MORE market!). I put some shredded cabbage,chopped carrots and chopped onion leaves, since my 2 kids hate to see veggies on their plate. Success naman Sir! hahah!Wagi!----karen mae g. de juan (kilala niyo na ko Sir??)
Dennis said…
Oo naman Ms. Karen...hehehe. You should try patola in this misua soup. Lalo na yung fresh na fresh pa. It added more flavor in the soup. Parang manamis-namis ang lasa. But the again, vegies pa rin yun baka hindi kainin ng mga bagets. hehehe. Thanks again Ms. Karen :)
J said…
Kuya nagluto ako dati ng miswa dito kaso natuyot. Ano po ba dapat ang ratio ng water to miswa para masabaw pa rin ang dish ko?
Dennis said…
Basta dagdagan mo lang ng broth J....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy