SIU MAI, MISUA at PATOLA SOUP
Simpleng-simple lang ang soup dish na ito. Ang importante dito ay ang sabaw na gagamitin. Pinakuluang buto-buto ng baboy o manok ang the best dito. Kung wala naman o nagmamadali, pwede din yung canned soup or yung instant knorr cubes. Mainam din na sariwa yung patola na gagamitin para maging manamis-namis yung sabaw na kakalabasan.
Ayos na ayos ito na soup at main course na din komo nga malalaki at ulam na ulam na ang siu mai na sahog. Pwede nyo ding lagyan ng nilagang itlog ng pugo para mas maging extra special. Try it!
SIU MAI, MISUA aT PATOLA SOUP
Mga Sangkap:
20 - 24 pcs. Pork Siu Mai o Siomai (may nabibili nito sa frozen section ng mga supermarket)
10 cups Pork or Chicken Broth (or 2 pcs. Pork or chicken cubes)
1 pc. Patola (balatan at i-slice)
2 pcs. Misua noodles
5 cloves minced Garlic
1 large Onion Sliced
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay ang Pork or chicken broth at hayaang kumulo. Kung wala naman, lagyan na lang ng tubig at 2 pcs. na chicken or pork cubes.
3. Kapag kumukulo na, ilagay na ang siu mai, patola at misua. Halau-haluin at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
4. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments