SPEAKING with DE LA SALLE UNIVERSITY WRITERS GUILD

Last March 3, 2012, naimbitahan ako ng mga estudyante ng De La Salle University Manila Writers Guild na maging speaker nila sa kanilang "Nomnomnom: The Food Blogging Seminar". Actually, medyo late na nga yung notice at medyo nagdalawang isip pa ako kung magye-yes ako o hindi. Bukod kasi sa late na yung notice, di pa naibigay agad nung organizer yung details ng talk na gagawin ko. So ang nangyari, 3 days lang ako nakapag-prepare ng aking presentation.

Dalawa kaming speaker sa seminar na yun. Dapat sana 2nd akong magsasalita. Pero nakiusap akong kung pwede ay ako na ang mauna dahil kailangan kong maka-uwi ng maaga at kailangan kong ma-review ang dalawa kong anak na magpa-final exams. Salamat kay Ms. Justine (nakalimutan ko yung surname niya...hehehe) at pumayag siya. Nahihiya nga ako at napahaba ang aking time komo wala pa yung iba na a-attend at hindi pa naka-set-up yung projector.

About this blog ang topic ng aking talk. Kung papaano ito nagsimula, papaano mag-set-up ng isang food blog at mga tips kung papaano mag-maintain nito.

I stayed after my talk at si Ms. Justine naman ang sumunod. Marami din akong natutunan sa kanya lalo na sa technical side ng magandang pakuha ng pict sa mga food na ipo-post.

At matapos nga ang lahat, ay binigyan kami ng certificate mula sa mga estudyanteng organizer bilang pasasalamat sa aming pagpapaunlak sa kanilang imbitasyon.

Isang nakakatuwang experience talaga ang nangyari sa akin sa araw na yun. Bagamat hindi naman karamihan ang mga nag-attend, okay na din at kahit papaano ay naibahagi ko ang aking alam sa food blogging.

Nang i-post ko nga ang picture na nasa itaas sa aking FB account ay marami ang nag-like at nag-comment. Ito marahil ang post ko sa FB na may pinakamaraming nag-like. hehehe

I hope may mga susunod pa na ganitong mga pagkakataon.

Salamat muli sa mga officers and members ng De La Salle University Writers Guild.

Mabuhay kayong lahat!!!!!

Comments

J said…
Bongga! Sikat ka na talaga kuya! Next na uwi ko jan, talagang papa-autograph na ako! ;-)
Dennis said…
Di naman J....small group of students lang ito. Hehehehe
Dennis said…
@ Gio....Hahahaha...Di naman Gio...small group lang yung audience ko dun. heheheh. Ikaw nga eh, ang lakas ng traffic ng blog mo. Tips naman kung ano ang mainam gawin. Hehehehe.

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy