STUFFED RED BELL PEPPER with GROUND CHICKEN and BACON

Napaka-mahal ng presyo ng red, green or yellow bell pepper sa mga supermarket o kahit na sa mga palengke. Unless sa Baguio ka siguro mismo bibili. Pero nitong naraang pag-go-grocery naminsa SM Supermarket sa Makati, nag-sale ang red bell pepper. Imagine, 4 large red bell pepper for P25? Bumili agad ako ng 2 pack so bale 8 pcs. yun at ia lang ang nasa isip ko na gawing luto. Ito ngang stuffed red bell pepper.

Naghanap muna ako ng recipe na pwedeng gayahin sa net pero ang mga nakita ko ay yung may rice na kasama. So I decided na lang to make my own version. At eto na ngang stuffed red bell pepper with ground chicken and bacon ang nagawa ko.

Ito ang binaon ng mga anak ko sa school, ng aking asawa at ako na rin. At dahil nagustuhan talaga nila ang niluto kong ito, puro papuri ang ang natanggap mula sa kanila. Kahit nung pinost ko ang pict nito sa akibng FB account, puro positive feedback ang aking natanggap. Tintanong nga nila kung kailan ko ipo-post ang recipe. Sa lahat ng pinost ko sa FB, ito ang may pinakamaraming comment at like. hehehehe. Nakakatuwa naman.


STUFFED RED BELL PEPPER with GROUND CHICKEN and BACON

Mga Sangkap:
7 pcs. Red Bell Pepper (cut into half)
500 grams Ground Chicken
250 grams Bacon chopped
1 large Onion finely chopped
1 cup Grated Cheese
a bunch of Fresh Basil chopped
1 pc. Egg beaten
2 tbsp. Flour or cornstarch
Salt and pepper to taste
Cheese Wiz in pouch (for toppings)

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang red bell pepper sa gitna at alisi ang mga buto. Ibabad muna sa tubig na malamig.
2. Sa isang bowl paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban sa cheese wiz. (alalay sa asin dahil maalat na yung cheese at bacon)
3. Ipalaman ang pinaghalong mga sangkap sa loob ng bell pepper.
4. I-bake ito o lutuin sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto.
5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng cheese wiz sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Dhemz said…
oh,my golly! I've never had this before...magawa nga din...ehehe...thanks for dropping by!
Emzkie said…
grabe ang mahal ng red bell pepper. pero ang sarap ha! cge lang basta masarap ang pagkain. makalimutan na ang presyo. hehe

from FTF
http://mydailybabble.info/2012/03/dinner-tv-sweet-n-sour-chicken/
Elma said…
mukhang ang sarap naman nito mang Dennis matikman ngang iluto ko this week.
Thanks! have a nice week!

myfurryplace
Jessica said…
woohoo! that is one great recipe and looks so delish Brother Dennis, it makes me drool :-) Dropping by from FTF.

http://www.homecookingwithjessy.com/my-husbands-dinner-to-bring-to-work/
iska said…
Hay naku! Kamahal din nyan dito sa New Zealand. isang piraso ay aabot ng 30pesoses! Minsan meron ding apatan na mas mura. Samantalang nung nakatira pa kami sa Beijing napakamura naman dun. Kung 1dol dito... baka dun ay 1 din pero rimimbi + 6-7pesos lamang.

Sarap naman nyan, Dennis!
Dennis said…
Try it Dhemz.....Yummy talaga ito sobra. Ang dami ngang nagkagusto sa dish na ito. hehehe
Dennis said…
@Emzkie....Sinabi mo sobrang mahal talaga. Nagpapaluto pa naman nito ang hipag kong balikbayan. Bahala na... kahit siguro ilang piraso lang ay makabili. hehehehe
Dennis said…
Thanks Elma...Email mo ako kung ano ang nangyari sa niluto mo. If you have any question just email me.
Dennis said…
@Jessy....Amen at Amen Sister. Masarap talaga ito.
Dennis said…
@Iska...tumingin nga ako last sunday ng bell pepper dito sa SM makati. alam mo ba kung magkano ang isa P58. Wow! ginto ang halaga. Pero i-try ko sa Farmers Market kung magkano naman dun. I hope mas mura para makagawa ulit ako nito this holy week.
cHeErFuL said…
naku, gusto ko po talaga iyang matutunan, thanks for sharing your recipe! i tried it nung nagluto iyong khmer friend namin, ang its really yummy! dito din po sa bangkok, mahal din ang bell pepper...:) visiting late from last week's FTF, hope to see you around. thanks and have a great week. :)
Dennis said…
Thanks Cheerful....Nagluto ulit ako nitong Maundy Thursday...green bell pepper ang ginamit ko kasi nga sobrang mahal ng red. Yummy talaga...ewan ko sa wife ko...mas masarap daw yung una kong ginawa...hehehe

Happy Easter!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy