BURGER STEAK with ROASTED GARLIC and MUSHROOM GRAVY

Last Sunday sa lunch namin sa Jollibee, burger steak ang in-order ng panganay kong anak na si Jake.   Yun daw ang gusto niya as compare sa mga kapatid niya na chicken joy at spag ang kinain.   Pagkatapos kumain ay humingi pa siya ng kapirasong burger sa kanyang kapatid na sa tingin ko ay nabitin siya sa kina niyang burger steak.   Kahit 2 pcs. pa yung patties parang kulang talaga para sa akin ang size nun for a rice meal.   Kaya naman nasabi ko sa kanya na ipagluluto ko siya nito sa bahay.   At ito nga ang niluto kong dinner nila that day.   Burger steak with roasted garlic and mushroom gravy.


Mayroon na din akong burger steak sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung sauce o gravy na aking inilagay.   Nilagyan ko pa kasi ito ng roasted garlic para mas sumarap pa ang gravy.   At hindi naman ako nagkamali, masarap at malasa ang gravy na aking nagawa.   Also, nilagyan ko pala ng raisins yung burger for extra flavor.   Ayos naman, may kakaibang lasa habang kinakain mo ito.


BURGER STEAK with ROASTED GARLIC and MUSHROOM GRAVY

Mga Sangkap:
For the Burger:
1/2 kilo lean Ground Beef
1 large white Onion finely chopped
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Raisin
1/2 cup Flour
2 pcs. Eggs
Salt and pepper to taste
For the gravy:
1/2 cup Butter
2 tbsp. Flour
1 small can sliced Mushroom (itabi yung sabaw)
2 heads Garlic
1 Knorr Chicken cubes
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   For the burger, paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap sa isang bowl.   Hayaan muna ng mga 30 minutes bago i-pan-grilled.
2.   Gumawa ng mga burger patties ayon sa nais nyong laki.
3.   For the gravy:    Ilagay sa oven o oven toaster o turbo broiler ang bawang na nakabalot sa foil.   I-ihaw ito sa pinaka-mainit na setting hanggang sa lumambot at medyo mag-brown ang kulay.   Durugin ito pagkaluto gamit ang tinidor.
4.   Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
5.   Sunod na ilagay ang harina at haluing mabuti.
6.   Sunod na ilagay ang dinurog na roasted garlic, knorr cubes at canned mushroom.   Patuloy na haluin.
7.   Lagyan pa ng tubig depende sa lapot ng sauce na nais.
8.  Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

Ihain ang grilled burger na may gravy sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy