CREAMY BEEF and POTATOES
Have you tried yung packed yakiniku beef sa frozen section ng SM Supermarket? Minsan, basta maganda ang cut (yung hindi masyadong makapal ang taba) bumibili ako dahil masarap at madaling iluto. Ito yung beef slices na parang bacon ang itsura pag naka-pack na. I think imported ito.
May ilang recipe na rin ako nito sa archive but this time simpleng luto lang ang ginawa ko. At wag ka, iilan lang ang sangkap na ginamit ko dito. Ang nakakatuwa, nagustuhan ito ng aking mga anak.
Sa mga beginners sa pagluluto, itong dish na ito ang maisa-suggest ko para ma-impress ang inyong mga loveones. For sure magugustuhan din nila ito.
CREAMY BEEF and POTATOES
Mga Sangkap:
1 kilo Beef thinly sliced
3 pcs. Potatoes cut into cubes
1 tetra brick All Purpose Cream
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1/2 cup Butter
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Ilagay na agad ang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta. Maaring lagyan ng kaunting tubig. Takpan hanggang sa lumambot ang karne.
3. Sunod na ilagay ang patatas. Takpan muli at hayaang maluto.
4. Huling ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments