DOUBLE CHEESE MAC and SARDINES
Sa kapitbahay kong si Ate Joy ko natutunang gumawa ng Fruity Macaroni Salad. Ito yung Macaroni Salad na fruit cocktail ang sahog. Walang kahit anong karne o chicken. Check nyo na lang sa archive under pasta yung recipe.
Last week nagluto siya nitong fruity macaroni salad na babaunin ata nila pagpunta nila ng Boracay. After niyang maluto ang macaroni, napagtanto niyang naparami o sobra ang naluto niya as compare sa fruit cocktail na ilalagay. So ibinigay niya sa akin ang sobra, thinking kung ano ang ilalahok ko dito.
Thursday night noon at halos papaubos na ang laman ng aming fridge at can goods cabinet. Ang natitira na lang ay malaking Ligo Sardines (premium brand), konting cheese at kontin ding Cheese magic ng del monte. So dun nabuo itong pasta dish na ito na entry ko for today.
Ang kinalabasan? Isang masarap at kakaibang macaroni dish. Try it!
DOUBLE CHEESE, MAC and SARDINES
Mga Sangkap:
400 grams Macaroni pasta (cooked according to package direction)
1 big can Ligo Premium Sardines
1 cup Sweet style Tomato Sauce
3 tbsp. Olive oil
1 cup Cheese Wiz or Del Monte Cheese magic
1 cup grated Cheese
5 cloves minced Garlic
1 large Onion Finely chopped
2 pcs. ripe Tomatoes chopped
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang macaroni pasta according to package direction.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang sardines at tomato sauce. Durugin ang mga laman nito.
4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
5. Ilagay na ang nilutong macaroni pasta. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang cheese wiz at grated cheese. Maari ding ilagay ang 2 cheese sa bawat serving.
Ihain na may kasamang toasted or garlic bread.
Enjoy!!!!

Comments