PAHO / PAHUTAN / PAHUHUTAN

Ang paho, pahutan o pahuhutan ay isang uri ng mangga na matatagpuan dito sa Pilipinas. Sa amin sa Bulacan paho ang tawag dito. Sa Batangas naman ay pahuhutan. Pahutan talaga ang tawag o pangalan ng klase ng manggang ito.

Masarap itong gawing enselada na masarap isabay sa pagkain ng mga prito o inihaw na isda o karne. Pangkaraniwang inihahalo ito sa sibuyas, kamatis at bagoong isda.

May kamahalan kung bibilhin ito sa mga palengke. katulad na lang nung minsang nagtanong ako sa palengke ng San Jose sa Batangas, P2.00 ang bawat isang piraso ng pahutang ito. Ang mahal di ba?

Last Thursday, umuwi ng Batangas ang asawa kong si Jolly para samahan ang kanyang ina (my biyenan ofcourse..hehehe) para magpa-opera ng mata. At sa kanyang pagbalik ng Manila ay may dala siya nitong pahutan at iba pa. Mabuti naman at may bagoong balayan pa ako sa cabinet at tamang tama ito sa piniritong tawilis na aking niluto. Batangas na Batangas talaga ang dating. Hehehehe

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy