PANCIT LOMI GUISADO

Ang Pancit Lomi Guisado ay para din lang pancit canton o pancit miki na niluluto natin. Aang pagkakaiba lang nito ay yung noodles na ginagamit. Dito kasi, yung noodles na ginagamit ko ay yung ginagamit din sa loming Batangas. The last time kasi na umuwi kami ng San Jose, Batangas ay bumili ako ng 1 kilo nitong noodles na ito at nasa isip ko nga na magluto nitong Pancit Lomi.

Hindi ko alam kung sa Batangas talaga ginagawa ang noodles nilang ito. Ang maganda sa noodles na ito, hindi siya maalat o kaya naman ay parang may pait habang kinakain as compare dun sa nabibili sa palengke ng Manila. Santo miki ba ang tawag dun?


PANCIT LOMI GUISADO

Mga Sangkap:
1 kilo Batangas made Egg noodles
1/2 kilo Chicken Breast fillet (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1 pc. Carrot (cut like a match sticks)
1/2 Repolyo (chopped)
100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long)
Kinchay to garnish
1 Knorr Chicken Cubes
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Sunod na ilagay ang hiniwang chicken fillet. Halu-haluin at timplahan ng asin at paminta.
3. Lagyan ng 1 tasang tubig at knorr cubes at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.
4. Ilagay na ang carrots at baguio beans. Hayaang maluto.
5. Ilagay na ang egg noodles at oyster sauce. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang repolyo at ibabang bahagi ng kinchay.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang dahon ng kinchay.

Ihain na may kasamang calamansi at patis.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy