PORK AFRITADA (Nueva Ecija Version)

Afritada is basically a dish cooked in tomato sauce. Pwede itong pork, chicken or beef. Sa ibat-ibang parte ng ating bansa, ibat-iba ang version at paraan nila ng pagluluto maging ang mga sangkap na ginagamit. Basta ang common lang sa lahat ay ang tomato sauce.

May nabasa akong version ng pork afritada na version sa Nueva Ecija. Ang pagkakaiba ng version na ito ay ina-adobo muna ang karne at saka nilalagyan ng tomato sauce.

Napaka-simple ng afritada na ito. Sa sangkap at paraan ng pagluluto ay talaga namang madaling sundan. Ang isa pang napansin ko sa version na ito ay mas masarap itong kainin kung kinabukasan na. Mas na-absorbed na kasi nung karne yung mga sangkap na inilagay.

Try nyo din. Just imagine adobo and afritada in one? Yummy!!!!


PORK AFRITADA (Nueva Ecija Version)

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
3/4 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 pouch Tomato Sauce
1 head minced Garlic
1 large Onion sliced
2 pcs. Tomatoes sliced
2 large Potatoes cut into cubes
1 large Carrot cut also into cubes
2 pcs. Red or Green Bell Pepper cut also into cubes
1 tsp. maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy. Hayaan sandali.
2. Sa isang kaserola, i-brown ng bahagya ang karne ng baboy sa mantika.
3. Ilagay na ang suka, toyo, bawang, sibuyas at kamatis. Takpan at hayaang masangkutsa. Lagyan ng tubig at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne ilagay na ang patatas, carrots, redd bell pepper at tomato sauce. Hayaang maluto ang mga gulay.
5. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Di ba masyadong maasim kuya? Kasi may vinegar na, may tomato sauce pa?
Dennis said…
Medyo J....kaya dapat kontilang yung vinegar pag inaadobo na. Pero masaraip din talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy