PORK TAPA

Noong araw komo hindi pa uso ang refrigerator o iilan pa lamang ang mayroon nito, ang pagtatapa ang ginagawa ng ating mga ninuno para hindi masira ang mga karne o isda na kanilang pang-ulam. Asin at suka ang kanilang ginagamit para mapatagal ang buhay ng karne at para hindi masira. Yung iba, ibinibilad pa sa araw o kaya naman ay pinapausukan.

Noong mga bata pa kami, itong tapang baboy din ang madalas na niluluto ng aking Inang Lina. Ibababad lang ang karne ng baboy sa suka, asin, bawang at paminta at kung uulamin na ay saka lang ito ipini-prito.

Masarap itong tapang baboy na ito. Simpleng-simple kasi at lasang-lasa ang tunay na lasa ng karne ng baboy. Try nyo din, masarap talaga.


PORK TAPA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (Hiwain ng maninipis o sa nais na kapal)
1 cup Suka
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tbsp. Salt
1 tsp. Sugar

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghalu-haluin lang ang lahat ng mga sangkap. I-marinade ito ng overnight o higit pa.
2. Kung lulutuin na, ilagay sa kawali ang nais na dami ng lulutuin at lagyan ng kaunting marnidae mix at tubig.
3. Pakuluan ito hanggang sa mawala na ang sabaw.
4. Lagyan ng mantika at i-prito ang karne hanggang sa pumula ang magkabilang side.

Ihain kasama ang sinangag na kanin, pritong itlog at kamatis.

Enjoy!!!

Comments

Dennis said…
Thanks pinkcookies.... Winner sa lasa winner din sa bulsa.....hehehe
J said…
Hmmm... di pa yata ako nakakatikim ng pork tapa. Laging beef. Gagayahin ko yan hehehe.
Dennis said…
Thanks J.... yan ang murang alternative sa tapang baka. Masarap, mura at madali lang lutuin. hehehe.
Tata Echo said…
hi Dennis..ang sarap nito..

again..pwede ba ire-post ito.

salamat
Dennis said…
Okay lang Tata Echo as long as naka-acknowledge yung site ko.

Thanks
Anonymous said…
gano pong kadaming tubig ang ihahalokapag ilalagay na ang tapa sa kawali kasama ng marinade?
Dennis said…
Depende sa dami ng karne at depende sa tigas nito. Kung matigas pa ang karne lagyan mo pa ng tubig.

Thanks again Cel....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy