SINIGANG na ULO ng SALMON
Hindi ako mahilig sa mga ulam na kutkutin pa. Ibig kong sabihin ay yung mga ulam na kailangan mo talagang mag-kamay para makain ka ng ayos. Katulad ng hipon, alimango o alimasag, isdang matinik o ulo ng isda. Mas gusto ko yung ulam na hiwa, subo at nguya na lang. hehehehe. Para kasing hindi ako nabubusog kapag may kinukutingting pa. hehehe
Kagaya ng ulo ng isda. Hindi ko talaga nakalakihan na kumain nito. Bukod kasi sa matinik ay parang nalalansahan ako. Not until nung ma-try kong kumain nito nung minsang isinama ako at ang aking pamilya na mag-dinner sa Dampa sa may Farmers market sa Cubao. Dumating kasi nun ang kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita na balikbayan. Bukod sa mga seafoods na aming ipinaluto, ay ito ngang sinigang na ulo ng salmon sa miso ang aming iniulam.
Nagustuhan ko siya. Salmon ba naman....hehehehe. Kaya naman naisip kong magluto din nito nitong nakaraang Friday. May kamahalan din ang uo ng salmon. P150 ang per kilo nito at dalawang piraso lang ito. Sulit naman dahil masarap ang sabaw at masisiyahan ka talaga.
SINIGANG na ULO ng SALMON
Mga Sangkap:
1 kilo Ulo ng Salmon (cut into serving pieces)
1 sachet Sinigang Mix
2 tbsp. Miso
1 taling Sitaw
1 tali Okra
1 taling Letsugas
5 pcs. Siling pang-sigang
1 pc. Labanos sliced
2 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes sliced
1 large Onion Sliced
2 tbsp. Canola oil
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika. Halu-haluin.
2. Lagyan ng tubig kumporme sa dami ng sabaw na nais. Hayaang kumulo
3. Ilagay na ang sitaw, okra, siling pang-sigang at labanos. Takpan muli at hayaang maluto.
4. Ilagay na ang ulo ng salmon, sinigang mix, miso at timplahan ng asin o patis. Hayaang maluto ang isda.
5. Huling ilagay ang letsugas.
6. Timplahan na din ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments