Posts

Showing posts from May, 2012

BRAISED PORK HOCK in APPLE & PINEAPPLE JUICE

Image
Dun sa posting ko about our last company summer outing, nabanggit ko na nung pauwi na kami ay dumaan pa kami sa Royal Duty Free para bumili ng ilang pasalubong.   Ako naman ay bumili din kahit kaunti at bukod sa ilang chocolates ay bumili din ako ng apple juice.   May nabasa kasi ako na okay daw ito sa ating kidney kaya bili naman ako. Last Sunday, naka-bili ako ng sliced pork hock o pata ng baboy sa aking pag-go-grocery.   Unang plano na luto na naisip ko ay ipaksiw.   Pero komo nga nagba-blog ako, naisipan kong lutuin ito sa ibang paraan para naman may mai-post ako.   At dito ko naisip ang apple juice na nabili ko sa duty free.   Kahalo ang juice mula sa pineapple tidbits at apple juice, niluto ko ang pata hanggang sa lumambot.   Masarap naman ang kinalabasan.   Kung nadagdagan pa ang toyo at may star anise ito, para na rin itong pata tim. BRAISED PORK HOCK in APPLE and PINEAPPLE JUICE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Hock or Pork Pata sliced 2 cups Apple Juice 2 cups Pineapple J

ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO

Image
Sa post ko kahapon tungkol sa nakaraan naming summer outing sa White Rock sa Subic Zambales, nabanggit ko ang mga pagkain na aming kinain at isa na doon itong enseladang singkamas. Nagustuhan ko siya.   Tamang-tama sa mga prito o inihaw na isda man, baboy o manok.   Kaya naman nang umuwi ako sa Batangas para dalawin ang aking mga anak, naisipan kong gumawa din nito para i-terno sa pritong tilapia na aking lulutuin. Bukod sa singkamas, nilagyan ko din ito ng pipino na lalo pang nagpa-sarap sa kabuuan ng enselada.   At sa pinaghalong suka, paminta, asin at asukal, naging tunay na masarap at nakakagana ang inyong pagkain.  Try nyo din. ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO Mga Sangkap: 1 pc. large size Singkamas cut into strips 1 pc. medium size Pipino cut also into strips 3pcs. Tomatoes sliced 1 cup Cane Vinegar 2 tbsp. White Sugar 1 tsp. Rock Salt 1/2 tsp. ground Black Pepper Paraan ng paghahanda: 1.   Sa isang bowl paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal.   Tikman at

GINATAANG ALIMANGO at KANGKONG

Image
Natatandaan nyo ba yung posting ko about the Amazing Show na pagkatapos naming nanood ay kumain kami sa Dampa sa may Macapagal Ave.?   Yup.   At isa sa mga nagustuhan ko sa aming pinaluto ay yung ginataang alimango na nilahukan pa ng kangkong.   Yun agad ang naisipan kong gawin sa 1 kilo ng Alimango na nabili ko nitong nakaraang araw. Maraming bagay din akong natutunan sa dish na ito.   Una, importante syempre na sariwa o buhay ang alimango na lulutuin.   Babae o yung bakla kung tawagin ang magandang klase ng alimango.   Pangalawa, dapat maraming gata na ilalagay para mas masarap at malasa ang sauce.   Gata mula sa dalawang niyog ay tama na.   Pangatlo, mas mainam na ilutong buo ang alimango kaysa hatiin sa gitna.   Kapag kasi biniyak mo siya at saka lulutuin, nawawala ang taba sa katawan ng alimango at humahalo sa sauce.   Okay din sana kasi sumasarap pa yung sauce pero yun nga wala nang natitira sa katawan ng alimango. GINATAANG ALIMANGO at KANGKONG Mga Sangkap: 4 pcs. med

MEGAWORLD 2012 SUMMER OUTING @ WHITE ROCK

Image
Every year ay nagkakaroon  summer outing ang kumpanyang pinapasukan ko ang Megaworld Corporation.   This year sa may bandang North kami napunta at sa pangalawang pagkakataon ay sa White Rock sa Subic, Zambales ang venue. Maaga pa lang as in 5:15AM ay umalis na ang bus na aming sasakyan papunta sa aming destinasyon.   Nasa 3 hours din kasi ang biyahe kaya ganito kaaga.   Syempre para mas marami kaming magawa sa resort na iyun.   8:10AM kami dumating sa lugar at nagpahinga lang sandali at picture-picute dahil 9:00AM pa ang simula ng mga activities.   Sa mga activities may Banana Boat Ride, Kayak, Photo Booth, Henna Tattoo at syempre ang swimming sa beach at sa maraming klase ng swimming pool. Medyo makulimlim at medyo umaambon ng dumating kami sa lugar.   Ayos din naman para hindi kami masyadong mangitim.   Hehehehe.  Pumila na agad kami sa Banana Boat at kami nga ang unang naging pasahero nila.   Hehehehe.   Ito Banana Boat na ito ang na-enjoy ko talaga.   Although, is

PORK and STRING BEANS ADOBO

Image
Sa isang palabas sa TV may survey silang ginawa kung ano daw pagkain ang maituturing na national food ng Pilipinas.   Ang pinagpilian ay Adobo at Sinigang.   Hindi ko alam kung ano ang kinalabasan ng kanilang survey.  Pero kung ako ang boboto, sapalagay ko ay itong adobo ang aking pipiliin.   Katulad din ng sinigang, ang variety ng sangkap at pagluluto ng adobo ay endless.   Sa lahat ng panig ng Pilipinas ay may sarili silang version nitong ating adobo. Itong version na i-she-share ko sa inyo ang sa palagay ko ang pinaka-the best.   Without the string beans o sitaw, ganito kung lutuin ng aking namayapang Inang Lina ang aming pork adobo.   Ito yung adobo na walang sabaw.   Bale lulutin lang ang karne hanggang sa lumambot at matuyo ang sabaw sabay prito sa konting mantika hanggang sa medyo pumula ang karne. For me, the best ang adobong ito.  Winner talaga!!! PORK and STRING BEANS ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim or pigue (cut into cubes) 1 cup Cane Vinegar 1 head minc

TUNA, BACON and MIXED VEGETABLES FRITTATA

Image
Ang Frittata ay isang egg-based na lutuin na halos katulad ng omelette or quiche.   Kahit ano ay pwedeng ilagay dito.   Maihahalintulad ko din ito sa ating torta.  Yun bang kahit anong tira-tira na isda, manok o baboy tapos lalagyan ng patatas at binating itlog. Para may dating ng konti ang torta kong ito, frittata ang naisip ko na itawag dito.   hehehehe.   Actually, mula lang a mga tira-tira na sangkap ang mga inilagay ko dito.   Also, sa halip na i-prito ko ito, ginisa ko muna ito at saka itinuloy ang luto sa turbo broiler.   Yung ibang luto ng frittata sa oven ginagawa. Isa pa, baka akala nyo ay bibingka yan ha.   Hehehehe.   Nilagyan ko pa kasi ng hard-boiled eggs ang ibabaw (rember yung marbled tea eggs na ginawa ko?) para mas lalong maging katakam-takam.   Yun lang dapat siguro sinapinan ko ng dahon ng saging ang pan ko para hindi nanikit yung bottom ng frittata.   Pero the best talaga ang sarap at lasa nito.  Winner ika nga..... TUNA, BACON and MIXED VEGETABLES FRITTA

CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS

Image
Mahilig ba kayo sa nilagang itlog?  If yes, itong dish natin for today ay para sa inyo.   Actually, isang hamak na nilagang itlog lang talaga siya na nilagyan lang ng flavor.  Ok din ito para hindi maging boring ang simpleng nilagang itlog.  May dalawang pamamaraan ang pwedeng gawin para makuha ang marbled effect sa nilagang itlog na ito.   Pwede mo itong isama sa nilulutong adobo o kaya naman ay itong paraan na babanggitin ko dito sa post kong ito.   Sa pagluluto ng adobo, isama lang ang itlog at hayaan ng mga 5 minuto.   Alisin sa adobo at pitpitin ang balat ng itlog para mag-crack.   Ibalik lang ulit sa nilulutong adobo at hayaan pa ng ilang minuto.   Mas mainam na ilubog ito sa sabaw para mas lalong kumapit yung kulay ng toyo sa marbled effect sa itlog.   CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS Mga Sangkap: 6 pcs. Fresh Eggs 3 tbsp. Dark Soy sauce 1 tsp. Salt 2 pcs. Tea bag 4 pcs. Star anise 1 small stick cinnamon or cassia bark 1 tsp. cracked peppercorns Paraan n

PUSIT at BUNGA ng MALUNGAY in OYSTER SAUCE

Image
Nabanggit ko sa aking previous post na nasa bakasyon sa probinsya sa Batangas ang aking tatlong mga anak.   Kaya naman medyo hirap ako sa kung ano ang ipo-post ko dito sa ating munting tambayan.   Kasi naman, dadalawa nga kami sa bahay at mas mainam pa ata na bumili na lang ng lutong pagkain o sa labas na lang din kumain.   Pero magastos yun di ba?   Di ka pa sure kung malinis ba o masarap ang mga ito.   Wala talagang hihigit pa sa lutong bahay.   hehehe Dito sa posting ko for today, 1/2 kilo lang  pusit ang binili ko komo nga 2 lang kami.   Alam nyo naman ang pusit pagnaluto ay umuurong kaya nagiisip ako ng pwedeng idagdag para dumami.   At nakita ko nga itong bunga ng malunggay sa nagtitinda ng gulay na nahimay na.   First ko lang kumain nitong bunga ng malunggay at masarap nga.   Para siyang miki noodles na mahahaba. PUSIT at BUNGA NG MALUNGAY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pusit (linising mabuti) 250 grams hinimay na Bunga ng Malungay 1/2 cup Oyster Sauce 1 th

CHEESY CHICKEN BALLS in SOTANGHON SOUP

Image
Nasa bakasyon ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton sa lola nila sa San Jose, Batangas.   Every weekend dinadalaw ko sila para na din kamustahin at dalhin ang pang-gastos nila sa pagkain. Kumpara nung mga nakaraang taon, ngayon pera na lang ang ibinibigay ko sa aking bilas na si Ate Myla para isahog na lang ang mga bata sa kanilang pagkain.   Wala kasing helper ngayon ang aking biyenan at walang magaasikaso kung sa kanya ko ihahabilin ang mga bata. Ang naging arrangement namin ng aking bilas ay kapag ako ay nandun, ay ako ang magluluto ng pagkain ng mga bata.   At ito ngang dish natin for today ang aking niluto para sa kanila.   Dapat sana ay egg surprise ang gagawin ko sa chicken giniling na ito pero nagbago ang pasya ko ng makita ko ang mga 200 grams ng sotanghon noodles sa cabinet ng aking biyenan.   At nabuo nga ang noodle dish na ito na aming tinanghalina nitong nakaraang Linggo. By the way, this dish can be eaten as a soup at maging main dish na din.   Try nyo

A NIGHT with GREAT MOMS and DELICIOUS FOOD

Image
Last Sunday May 13, 2012 was Mother's Day.   Isang araw bago ito ay umuwi nga kami ng Batangas para sa alayan ng bulaklak para kay Mama Mary.   Sunday ng tanghali naunang bumalik ang aking asawang si Jolly sa Manila dahil may work pa siya.   Sa hapon naman ako umuwi. Hindi ko sinabi sa kanya na dadaanan ko siya sa work niya para mag-dinner kami in celebration nga ng Mother's Day.   Nung malapit na ako sa Makati, tinext niya ako na nagkayayaan sila ng kanyang mga katrabaho na mag-dinner sa labas.   At yun na nga ang nangyari, ako ang nalibre sa dinner.   hehehehe.   Ofcourse hindi ko naman nakalimutan ang flowers para sa kanya. Sa Modern China restaurant sa Glorietta 4 sa Ayala Center sila napagpasyahang kumain.   Maganda yung place and puno talaga nung dumating kami. Set-menu ang in-order nila.   Kilala din pala sila nung executive chef ng restaurant na yun.   Kaya naman bukod sa discount ay sinobrahan din nila yung serving ng mga dish. Habang naghihintay ng pag

BACON and MILK SPAGHETTI

Image
Marami na din akong pasta dishes na naluto sa archive.   May pang-bahay, pang-birthday at kung ano-ano pang okasyon.   Ang maganda kasi sa pagluluto ng pasta, marami kang pwedeng sauces na pwedeng ilagay at hindi limitado sa tomato o spaghetti sauce.  Marami kasi sa ating mga Pilipino na ganun ang pagka-alam nila sa spaghetti. Katulad ng kanin na kahit anong ulam ay pwede, ganun din ang pasta, pwede mo itong haluan ng kung ano-ano sahog at sauces. Katulad nitong inihanda ko nitong nakaraang sponsorship namin sa alayan sa Batangas.   Para maiba naman sa panlasa ng mga taga roon, itong bacon and milk spaghetti ang inihanda ko.   Actually para siyang carbonara at yun din ang akala ng mga naka-kain.   Pero evaporated milk lang ang ginamit ko para sa sauce at toasted bacon naman para sa laman at sa extra flavor na din. Ubos ang 3 kilos na pasta na niluto ko.   Bakit naman hindi, mga 80 katao ata ang dumagsa sa alayan ng gabing iyon.  Hehehehehe BACON and MILK SPAGHETTI Mga Sang

BULAKLAK para kay MARIA

Image
Hindi ko matandaan kung anong year nagsimula na mag-sponsor kami ng isang araw sa pag-aalay ng bulaklak kay Maria na mas alam ng marami na Flores De Mayo. Sa lugar ng aking asawa sa San Jose Batangas, buong buwan ng Mayo (araw-araw) ay may ginagawang novena at pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.   At nito ngang nakaraang Sabado May 12, 2012 ay kami ang naatasan na mag-sponsor ng padasal. Nagsisimula ang padasal o nobena sa pagpapaliwanag at kahalagahan ng mga gawaing ganito.   May namumuno sa pagpapaliwanag at may namumuno din sa pagdarasal ng Santo Rosaryo. Pagkatapos noon ay aawit ang lahat at kasabay na ang pag-aalay ng bulaklak.   Kahit maliliit na mga bata ay kasama sa pag-aalay at pagsasaboy ng bulaklak sa imahe ng Mahal na Birhen. Kasabay ng huling bahagi ng awitin, kami naman ng aking pamilya bilang sponsor ng araw na yun ang nag-alay.   Pagkatapos din nun ay ang huling panalangin na nagtatapos sa nobena. Pagkatapos ng pag-aalay ay nakahanda naman an

HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS

Image
Everybody in the family loves barbeque.   Mapa-baboy man o manok, winner ito para sa aming lahat.   Kaya naman basta may pagkakataon at kahit pan-grill lang ang ginagamit ko sa pagluluto nito ay okay na din sa akin. Kung manok ang gagamitin, mainam na yung thigh part na fillet ang gamitin.   May kaunti kasi itong balat na mainam para hindi ma-dry ang barbeque habang iniihaw.   Ofcourse huwag naman sobra dahil masama din ito sa ating kalusugan. HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces) 1 pc.  Lemon (juice and 1 tbsp. Zest) 1/2 cup Pure Honey Bee 1 head minced Garlic 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa chicken fillet.   Haluin mabuti para mahalong mabuti ang honey sa iba pang mga sangkap. 2.   Ilagay sa pinaghalong mga sangkap ang chicken fillet at hayaan ng mga 1 oras.   Mas matagal o overnigh

PORK & SAUSAGE STEW in PIZZA SAUCE

Image
Kung titingnan mo ang dish na ito sa picture, sasabihin mong para din lang itong ordinaryong pork afritada na pangkaraniwan nating nakakain sa hapag.  Pero mali kayo, magugulat kayo sa lasa, linamnam at sarap ng pork dish na ito. Ang secret sa dish na ito ay ang tamang sausage sa gagamitin.   Importante na yung malasang sausage ang gamitin dito kagaya nang longanisang macau, chinese sausage or chorizo de bilbao.   Yun kasi ang magpapalasa at magpapasarap sa kabuuan ng dish. At isa pa, pizza sauce ang ginamit ko dito bukod pa sa dried oregano na aking inilagay.   Masarap kainin ito with hot rice o kahit na tinapay.   Ika nga, sauce pa lang ang solve na solve ka na.   Try it! PORK & SAUSAGE STEW in PIZZA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo cut into cubes 1 pouch Del Monte Pizza Sauce 3 pcs. Longanisang Macau or any strong flavored sausages sliced 2 pcs. Potato cut into cubes 1 large Carrot cut into cubes 2 pcs. Red Bell Pepper cut also into cubes 2 tbsp. Sweet Pi

INA, MAMA, MOMMY, INAY, INANG, NANAY - Isang Pagpupugay

Image
 INA, MAMA, MOMMY, INAY, INANG, NANAY.....Kahit ano pa ang itawag natin sa kanya, wala nang hihigit pa sa kanyang pagmamahal. At sa dakilang araw na ito hayaan mong suklian naman namin ang iyong wagas na pagmamahal. Mahal na mahal namin kayo.

AN AMAZING NIGHT with MY WIFE and FRIENDS

Image
Last Saturday May 5, 2012, nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan at kapitbahay na sina Ate Joy  at Nelson na manood ng Amazing Show sa Manila Film Center sa PICC complex.   May nabili kasi kami na discounted ticket for the show at sinamantala na namin ito para makapanood. Ang Amazing Show ay isang pagtatanghal ng mga gay ng ibat-ibang sayaw mula sa ibat-ibang bansa.   Ang maganda dito, babaeng-babae talaga ang itsura ng mga performer.   Hindi mo talaga mahahalata na mga gay sila. 8:00pm ang start ng show at bago kami pumasok sa loob ng tanghalan, ay nag-picture-picture muna kami kasama ang welcoming staff.   Napag-alaman din namin na Korean pala ang producer ng show at magsa-sampung taon na din sila na nagtatanghal sa Manila Film Center na yun. Amazing nga ang pagtatanghal lalo na ang mga costumes at design ng stage.   Talagang masasabi mong world class. Hindi ako nakakuha ng picture ng mga pagtatanghal, bawal kasi at nasabihan gdin ako ng asawa kong si Jolly.   heheh