PORK and STRING BEANS ADOBO
Sa isang palabas sa TV may survey silang ginawa kung ano daw pagkain ang maituturing na national food ng Pilipinas. Ang pinagpilian ay Adobo at Sinigang. Hindi ko alam kung ano ang kinalabasan ng kanilang survey. Pero kung ako ang boboto, sapalagay ko ay itong adobo ang aking pipiliin. Katulad din ng sinigang, ang variety ng sangkap at pagluluto ng adobo ay endless. Sa lahat ng panig ng Pilipinas ay may sarili silang version nitong ating adobo.
Itong version na i-she-share ko sa inyo ang sa palagay ko ang pinaka-the best. Without the string beans o sitaw, ganito kung lutuin ng aking namayapang Inang Lina ang aming pork adobo. Ito yung adobo na walang sabaw. Bale lulutin lang ang karne hanggang sa lumambot at matuyo ang sabaw sabay prito sa konting mantika hanggang sa medyo pumula ang karne.
For me, the best ang adobong ito. Winner talaga!!!
PORK and STRING BEANS ADOBO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or pigue (cut into cubes)
1 cup Cane Vinegar
1 head minced Garlic
1 tsp. ground black pepper
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tali Sitaw cut into 1 inch long.
2 tbsp. Canola Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang karne ng baboy sa suka, bawang, paminta at asin. Ibabad ito ng overnight para mas masarap.
2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang binabad na karne ng baboy kasama ang marinade mix at maggie magic sarap. Lagyan ng 2 tasang tubig. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Lagyan ng tubig kung kinakailkangan pa.
3. Kung malambot na ang karne ilagay ang sitaw takpan muli at hayaang matuyo ang sabaw.
4. Lagyan ng konting mantika at hayaang ma-prito ang karne.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks for the visit
Thanks again
Salamat po sa pagbisita sa blog kong ito.
Dennis