PUSIT at BUNGA ng MALUNGAY in OYSTER SAUCE
Nabanggit ko sa aking previous post na nasa bakasyon sa probinsya sa Batangas ang aking tatlong mga anak. Kaya naman medyo hirap ako sa kung ano ang ipo-post ko dito sa ating munting tambayan. Kasi naman, dadalawa nga kami sa bahay at mas mainam pa ata na bumili na lang ng lutong pagkain o sa labas na lang din kumain. Pero magastos yun di ba? Di ka pa sure kung malinis ba o masarap ang mga ito. Wala talagang hihigit pa sa lutong bahay. hehehe
Dito sa posting ko for today, 1/2 kilo lang pusit ang binili ko komo nga 2 lang kami. Alam nyo naman ang pusit pagnaluto ay umuurong kaya nagiisip ako ng pwedeng idagdag para dumami. At nakita ko nga itong bunga ng malunggay sa nagtitinda ng gulay na nahimay na. First ko lang kumain nitong bunga ng malunggay at masarap nga. Para siyang miki noodles na mahahaba.
PUSIT at BUNGA NG MALUNGAY in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pusit (linising mabuti)
250 grams hinimay na Bunga ng Malungay
1/2 cup Oyster Sauce
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. Brown Sugar
a bunch of Kinchay chopped to garnish
2 tbsp. of Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay ang pusit at timplahan ng asin at paminta.
3. Ilagay na din ang oyster sauce, bunga ng malunggay at brown sugar. Halu-haluin.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Hanguin agad sa isang lalagyan at huwag i-overcooked ang pusit.
Ibudbod ang ginayat na kinchay sa ibabaw ng pusit bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments