PUSIT at BUNGA ng MALUNGAY in OYSTER SAUCE


Nabanggit ko sa aking previous post na nasa bakasyon sa probinsya sa Batangas ang aking tatlong mga anak.   Kaya naman medyo hirap ako sa kung ano ang ipo-post ko dito sa ating munting tambayan.   Kasi naman, dadalawa nga kami sa bahay at mas mainam pa ata na bumili na lang ng lutong pagkain o sa labas na lang din kumain.   Pero magastos yun di ba?   Di ka pa sure kung malinis ba o masarap ang mga ito.   Wala talagang hihigit pa sa lutong bahay.   hehehe

Dito sa posting ko for today, 1/2 kilo lang  pusit ang binili ko komo nga 2 lang kami.   Alam nyo naman ang pusit pagnaluto ay umuurong kaya nagiisip ako ng pwedeng idagdag para dumami.   At nakita ko nga itong bunga ng malunggay sa nagtitinda ng gulay na nahimay na.   First ko lang kumain nitong bunga ng malunggay at masarap nga.   Para siyang miki noodles na mahahaba.


PUSIT at BUNGA NG MALUNGAY in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pusit (linising mabuti)
250 grams hinimay na Bunga ng Malungay
1/2 cup Oyster Sauce
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. Brown Sugar
a bunch of Kinchay chopped to garnish
2 tbsp. of Canola oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng  pagluluto:
1.   Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay ang pusit at timplahan ng asin at paminta.
3.   Ilagay na din ang oyster sauce, bunga ng malunggay at brown sugar.   Halu-haluin.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Hanguin agad sa isang lalagyan at huwag i-overcooked ang pusit.

Ibudbod ang ginayat na kinchay sa ibabaw ng pusit bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
kakaiba, yummy..
zachariketayluz said…
Wow kuya dennis nagutom naman ako bigla dito sa post mo ang sarap pa naman ng pusit at mganda ang gnawa mo kuya may bulaklak p ng malunggay. Mukhang masarap to matry ko nga pagbili ko ng pusit :)
J said…
Ahehehe ngayon ko lang nalaman na may bulaklak pala ang malunggay!
Dennis said…
@zach....Yung bulaklak ng malungay siguro ang medyo mahirap makita sa palengke. First time kong maka-kain nun at masarap nga. Manamis-namis ang lasa.
Dennis said…
Ako rin J nito ko lang nalaman. hehehehe. Pero masarap ha... :)
Anonymous said…
Brother, hindi ba bunga ng malunggay yan, kasi ang bulaklak ng malunggay ay puti at mukhang bulaklak talaga:)
Dennis said…
Thanks Bro for the correction. Nalito na nga ata ako sa bunga at bulaklak ng malungay. Palibhasa first time ko nga lang nakakain nito. hehehehe
Anonymous said…
No worries bro, saludo ako sa mga luto mo, marami na rin akong na-try at fantastic talaga! btw, sister ako, hehehe. May God continue to bless the work of your hands.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy