BACON and MILK SPAGHETTI

Marami na din akong pasta dishes na naluto sa archive.   May pang-bahay, pang-birthday at kung ano-ano pang okasyon.   Ang maganda kasi sa pagluluto ng pasta, marami kang pwedeng sauces na pwedeng ilagay at hindi limitado sa tomato o spaghetti sauce. 

Marami kasi sa ating mga Pilipino na ganun ang pagka-alam nila sa spaghetti. Katulad ng kanin na kahit anong ulam ay pwede, ganun din ang pasta, pwede mo itong haluan ng kung ano-ano sahog at sauces.

Katulad nitong inihanda ko nitong nakaraang sponsorship namin sa alayan sa Batangas.   Para maiba naman sa panlasa ng mga taga roon, itong bacon and milk spaghetti ang inihanda ko.   Actually para siyang carbonara at yun din ang akala ng mga naka-kain.   Pero evaporated milk lang ang ginamit ko para sa sauce at toasted bacon naman para sa laman at sa extra flavor na din.

Ubos ang 3 kilos na pasta na niluto ko.   Bakit naman hindi, mga 80 katao ata ang dumagsa sa alayan ng gabing iyon.  Hehehehehe


BACON and MILK SPAGHETTI

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
300 grams Bacon cut into small pieces
2 tetra brick Alaska Evaporated Milk (yung red ang label)
5 cup Sabaw na pinaglagaan ng pasta
1 bar Cheese grated
1/4 bar Butter
2 pcs. Pork Knorr cubes
1 tsp. ground Black Pepper
1 head minced Garlic
2 large Onion chopped
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.   I-drain.   Itabi ang mga 5 tasa ng sabaw na pinaglagaan.
2.   Sa isang medyo malaking kawali, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa pumula.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Sunod na ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng pasta, evaporated milk, 1 cup na grated cheese at knorr cubes.   Halu-haluin.
5.   Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
6.  Patayin ang apoy at ilagay sa sauce ang nilutong pasta at bacon.
7.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain ang pasta na may budbod na bacon bits at grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!


Comments

J said…
Ay, kahit ako makikikain kung ganyan kasarap eh!
Dennis said…
Hahaha...Kain J....para sa lahat yan....hehehe
Anonymous said…
simple dish, pero it looks delicious..masubukan nga... salamat sa mga recipes nyo po..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy