HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS


Everybody in the family loves barbeque.   Mapa-baboy man o manok, winner ito para sa aming lahat.   Kaya naman basta may pagkakataon at kahit pan-grill lang ang ginagamit ko sa pagluluto nito ay okay na din sa akin.

Kung manok ang gagamitin, mainam na yung thigh part na fillet ang gamitin.   May kaunti kasi itong balat na mainam para hindi ma-dry ang barbeque habang iniihaw.   Ofcourse huwag naman sobra dahil masama din ito sa ating kalusugan.


HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
1 pc.  Lemon (juice and 1 tbsp. Zest)
1/2 cup Pure Honey Bee
1 head minced Garlic
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa chicken fillet.   Haluin mabuti para mahalong mabuti ang honey sa iba pang mga sangkap.
2.   Ilagay sa pinaghalong mga sangkap ang chicken fillet at hayaan ng mga 1 oras.   Mas matagal o overnight ay mas mainam.
3.   Tuhugin ito sa barbeque sticks sa nais na dami.
4.   I-ihaw ito sa live na baga o sa griller hanggang sa pumula at maluto.   Bantayang mabuti dahil madaling masunog ito dahil sa honey bee.

Ihain habang mainit pa kasama ang nais ninyong sawsawan.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya paborito ko yan... especially pork BBQ. At yung may taba sa dulo hehehe.
Dennis said…
Thanks J....Salamat naman at nakakapag-comment ka na. Na-miss kita friend.....hehehehe.

Siguro pwede din ang recipe na ito sa pork pero using porkloin o yung malambot na parte ng baboy. Madali kasing masunog ang marinade mix nito komo nga may honey.

Thanks Again J

:)
zachariketayluz said…
Naku masarap yan lalo na sa mainit init na kanin hehe! Kuya dennis sana magkafan page ka na din sa facebook. Cgurado mas lalo ka sisikat nyan usap usapan n nga sa fb dati to ng blog mo kaya nga natuklasan ko to. More power kuya dennis and God bless you more!
Dennis said…
Thanks again Zach...papano ba ginagawa yun? hehehehe. Basta minsan pino-post ko din dun yung pict ng dish ad inviting everyone to visit the blog.
Dennis said…
Thanks pinkcookies....na-miss ko ang mga comment mo...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy