HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS
Everybody in the family loves barbeque. Mapa-baboy man o manok, winner ito para sa aming lahat. Kaya naman basta may pagkakataon at kahit pan-grill lang ang ginagamit ko sa pagluluto nito ay okay na din sa akin.
Kung manok ang gagamitin, mainam na yung thigh part na fillet ang gamitin. May kaunti kasi itong balat na mainam para hindi ma-dry ang barbeque habang iniihaw. Ofcourse huwag naman sobra dahil masama din ito sa ating kalusugan.
HONEY-LEMON CHICKEN SKEWERS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
1 pc. Lemon (juice and 1 tbsp. Zest)
1/2 cup Pure Honey Bee
1 head minced Garlic
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa chicken fillet. Haluin mabuti para mahalong mabuti ang honey sa iba pang mga sangkap.
2. Ilagay sa pinaghalong mga sangkap ang chicken fillet at hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal o overnight ay mas mainam.
3. Tuhugin ito sa barbeque sticks sa nais na dami.
4. I-ihaw ito sa live na baga o sa griller hanggang sa pumula at maluto. Bantayang mabuti dahil madaling masunog ito dahil sa honey bee.
Ihain habang mainit pa kasama ang nais ninyong sawsawan.
Enjoy!!!!
Comments
Siguro pwede din ang recipe na ito sa pork pero using porkloin o yung malambot na parte ng baboy. Madali kasing masunog ang marinade mix nito komo nga may honey.
Thanks Again J
:)