LUMPIANG SHANGHAI - Let me count the ways
Minsang nagka-kwentuhan kami ng aming HR manager na si Ms. Kei tungkol sa food blog kong ito, nag-request siya na mag-post naman daw ako ng mga budget friendly na recipe. Sabi ko naman, marami dito sa archive at isa na nga dito ay itong lumpiang shanghai.
Katulad ng adobo at sinigang, marami ding pwedeng gawin at ipalaman sa lumpiang prito na ito. As in kahit ano. Pwedeng pork, fish, beef, gulay.....kahit ano? Kung baga, endless ang pwede. Marami na din akong version ng lumpiang shanghai na ito sa archive and ofcourse ibat-ibang klase ng palaman ang ginamit ko. Ang isa sa mga tip na maibibigay ko ay: dapat malasa ang mga sangkap na ilalagay. Halimbawa, pwede mong samahan ng kinchay o kaya naman ay yung smokey na bacon or sausages. Pwede din ang red bell pepper or cheese. Dalawa pang tip: Mainam na i-freezer muna ang ginawang lumpia bago i-prito. I-coat din muna ng cornstarch bago i-prito. Sa pamamagitan nito mas napapatagal ang lutong ng lumpia kahit ilang oras na ito naluto.
LUMPIANG SHANGHAI - Let me count the ways
Mga Sangkap:
1/5 Kilo Ground Lean Pork
1 cup Mung Beans
1/2 cup chopped Kinchay
1/2 cup Red Bell Pepper cut into small cubes
1 large White Onion finely chopped
2 pcs. Egg beaten
1/2 cup All Purpose Flour
Salt and pepper to taste
40 pcs. Lumpia Wrapper
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang mixing bowl, pagsamahin ang lahat ng mga sangkap maliban lamang sa lumpia wrapper. Hayaan muna ng mga 30 minuto bago balutin. Maaring kumuha muna ng kaunting pinaghalong sangkap at i-prito o i-steam para matikman kung tama na ang timpla.
2. Balutin ang pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper sa nais na laki at haba.
3. I-freezer muna ng overnight bago i-prito.
4. Maaring i-cut muna sa haba na 1 inch bago i-prito.
5. For extra crispiness, maaring i-coat muna ang binalot na lumpia sa cornstarch saka i-prito.
6. I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sweet chili sauce or catsup.
Enjoy!!!!

Comments