ROASTED BABY BACK RIBS with HONEY-OYSTER SAUCE


Ito ang isa pa sa inihanda ko sa nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly.   Roasted Baby back ribs with Honey-Oyster Sauce.  Yes.   May oyster sauce ang sauce na ipinang-glaze ko sa ribs na ito.   Kasi ba naman naubusan ako ng barbeque sauce na dapat sana ay ipang-ma-marinade ko at gagawin kong sauce para dito.  Pero yun nga, gumamit na lag ako ng kung anong available sa aking cabinet.

Ang importante sa dish na ito ay ang mga sangkap na ilalagay sa marinade mix at ang tamang pagpapalambot sa ribs.   Importante din ang sauce na gagamitin na pang-glaze.   Ang nakakatuwa dito, naka-gawa ako ng sauce na tumama sa panlasa  ng mga kumain.  Hehehehe


ROASTED BABY BACK RIBS with HONEY-OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
Baby Back Ribs about 1.5 kilos
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. Dried laurel leaves
2 tbsp. Dried Oregano
1 tsp. ground Black Pepper
1 head Garlic
2 pcs. Onion
1 tbsp. Salt
1 tbsp. Brown Sugar
For the Sauce:
2 tbsp. Worcestershire Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Sweet Soy Sauce
1/2 cup Pure Honey Bee
1 tbsp. Brown Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang baby back ribs kasama ang mga sangkap mula worestershire sauce hanggang brown sugar.   Lagyan din ng mga 2 tasang tubig.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
2.   Kung malambot na ang laman, isalang naman ito sa turbo broiler o sa oven sa init na 250 to 300 degrees at lutuin pa sa loob ng mga 30 minuto o hanggang sa mag-dark na akung kulay ng ribs.
3.   Paghaluin ang mga sangkap para sa sauce.   Tikman at i-adjust ang lasa.
4.   I-brush ang sauce sa ribs sa huling 10 minuto ng pagluluto.   Ulit-ulit ito ng mga 5 beses.
5.   Palamigin ng bahagya bago i-slice.

Ihain na kasama ang natirang sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap niyan... at talagang panalo sa oyster sauce. Yan din ang aking "secret ingredient" hehehe.

P.S. I featured another of your recipes in my blog, kuya!
Dennis said…
Thanks J. It's the first time na gumamit ako ng oyster sauce sa ganito....at winner nga ha. This Fridau magluluto ulit ako nito...hehehe. May bisita kasi kami at nahilingan na ito ang lutuin ko. hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy