BACON and CHEESE PIZZA - Home made


Tuwing dumarating ang mga espesyal na okasyon sa aming pamilya kagaya ng mga birthdays or anniversary hindi pwedeng hindi ko ito ipaghahanda kahit papaano.  Ito ang namana ko sa aking namayapang Inang Lina na kahit mahirap lang kami, naghahanda siya kahit papaano basta dumarating ang mga mga kaarawan.   Kahit simpleng kakanin lang o kaya naman ay espesyal na ulam, okay na sa amin yun.

Kagaya ng nasabi ko na sa post ko kahapon na tinatanong ko ang celebrator kung ano gusto niyang handa, sinasamahan ko din ang handa nang kung ano ang paborito nilang kainin.   Halimbawa nung birthday ng aking asawa, gusto niya ang hipon, kaya iyun naman ang niluto ko.

Dito sa nakaraang birthday ng anak kong si Anton, bukod sa mga pasta dishes, paborito din niya ang pizza.   Kaya naman nagluto din ako nito para matuwa naman ang bata.   Ang nakakagulat, hindi ko inaasahang ganun kasarap ang ginawa kong home made na pizza.   Simple lang ang mga sangkap pero mako-compare mo ang lasa sa mga available na sikat na pizza parlor.   Yummy talaga.    Hehehehe.

Take note also, wala akong oven na ginamit sa pagluluto niyan.   Kawali at turbo broiler lang.   hehehe


BACON and CHEESE PIZZA - Home made

Mga Sangkap:
Fita Bread (about 12" in diameter)
Del MOnte Italian Pizza Sauce
Bacon
Ham or Hotdog
Quick melt Cheese grated
Olive Oil
Dried Basil Leaves
 Note:   Hindi ako naglagay kung gaano kadami ang mga sangkap.   Nasa sa inyo na yun kung gaano o ilang pizza ang gagawin nyo.  

Paraan ng pagluluto:
1.  Lagyan ng pizza sauce ang ibabaw ng fita bread.  
2.  Ilagay na din ang grated cheese, bacon, ham or hotdog sa ibabaw.
3.  I-drizzle ng olive oil at budburan ng dried basil sa ibabaw.
4.  Lutuin sa oven hanggang sa maging crispy ang crust at na-melt na ang cheese sa ibabaw.  In my case, inilagay ko siya sa kawali, isinalang sa kalan at inilagay ang turbo broiler (yung cover) sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
How resourceful! Sa picture po, hindi mahahalata na galing sa kawali ang pizza na tinakpan ng turbo broiler cover sa ibabaw. Ang galing! Bakit niyo po nilagay ang cover ng turbo sa ibabaw? Para ano po? Di ba walang electricity during that time? Thanks po. (Mommy Marie)
Dennis said…
Thanks Mommy Marie....No, ang wala kami ay cooking gas. Kaya nga lahat ay niluto ko sa kalan na de kuryente at sa turbo broiler nga. Hindi kami nawalan ng kuyente that time.

Tinakpan ko ng turbo broiler para mag-melt yung cheese sa ibabaw. Yung sa ilalim naman ay para maging crispy yung crust.

Alam mo parang pizza ng yellow cab ang isang ito. Magustuhan nga ng mga bata. Ayun nagpapagawa ulit sa akin....hehehehe

Thanks


Dennis


J said…
Napaka-resourceful mo kuya! Pede pala magluto ng pizza sa turbo!
Unknown said…
good idea Sir! nga po pala, pag po i click ko mga ads nyo ng madaming beses counted po ba lahat or isa lang ang counted? para po maka points po kayo sa google..thanks.
Dennis said…
Thanks J. Oo naman. Oven din naman ang turbo broiler...yun lang nasa ibabaw ang init....hehehehe. susubukan ko nga magluto ng puto bibingka gamit ang turbo broiler....heheh...abangan.
Dennis said…
Thanks Claire. Napansin mo ba na every time na babalik ka dun sa post nababago yung ads na naka-display. So ibig sabihin another points yun pag na-click mo. Salamat ng marami ha...click ka lang ng click....hehehehe
Unknown said…
oo nga po... kelangan po bang i browse namin thoroughly yung mga ads or enough na po yung pag click lang? para po makabawi man lang kami sa pang gagaya namin sa inyong recipes hehehe..
Dennis said…
Hahahaha....thanks again Claire....1 or 2 clicks siguro ay okay na.....hehehe. Alam ko naman na giunagawa nyo yun....nakikita ko kasi kung ilang clicks na ang nagagawa....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy