BACON and CHEESE PIZZA - Home made
Tuwing dumarating ang mga espesyal na okasyon sa aming pamilya kagaya ng mga birthdays or anniversary hindi pwedeng hindi ko ito ipaghahanda kahit papaano. Ito ang namana ko sa aking namayapang Inang Lina na kahit mahirap lang kami, naghahanda siya kahit papaano basta dumarating ang mga mga kaarawan. Kahit simpleng kakanin lang o kaya naman ay espesyal na ulam, okay na sa amin yun.
Kagaya ng nasabi ko na sa post ko kahapon na tinatanong ko ang celebrator kung ano gusto niyang handa, sinasamahan ko din ang handa nang kung ano ang paborito nilang kainin. Halimbawa nung birthday ng aking asawa, gusto niya ang hipon, kaya iyun naman ang niluto ko.
Dito sa nakaraang birthday ng anak kong si Anton, bukod sa mga pasta dishes, paborito din niya ang pizza. Kaya naman nagluto din ako nito para matuwa naman ang bata. Ang nakakagulat, hindi ko inaasahang ganun kasarap ang ginawa kong home made na pizza. Simple lang ang mga sangkap pero mako-compare mo ang lasa sa mga available na sikat na pizza parlor. Yummy talaga. Hehehehe.
Take note also, wala akong oven na ginamit sa pagluluto niyan. Kawali at turbo broiler lang. hehehe
BACON and CHEESE PIZZA - Home made
Mga Sangkap:
Fita Bread (about 12" in diameter)
Del MOnte Italian Pizza Sauce
Bacon
Ham or Hotdog
Quick melt Cheese grated
Olive Oil
Dried Basil Leaves
Note: Hindi ako naglagay kung gaano kadami ang mga sangkap. Nasa sa inyo na yun kung gaano o ilang pizza ang gagawin nyo.
Paraan ng pagluluto:
1. Lagyan ng pizza sauce ang ibabaw ng fita bread.
2. Ilagay na din ang grated cheese, bacon, ham or hotdog sa ibabaw.
3. I-drizzle ng olive oil at budburan ng dried basil sa ibabaw.
4. Lutuin sa oven hanggang sa maging crispy ang crust at na-melt na ang cheese sa ibabaw. In my case, inilagay ko siya sa kawali, isinalang sa kalan at inilagay ang turbo broiler (yung cover) sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Tinakpan ko ng turbo broiler para mag-melt yung cheese sa ibabaw. Yung sa ilalim naman ay para maging crispy yung crust.
Alam mo parang pizza ng yellow cab ang isang ito. Magustuhan nga ng mga bata. Ayun nagpapagawa ulit sa akin....hehehehe
Thanks
Dennis